Toni Fowler, hindi nagustuhan ang regalo ni Vince Flores: "Kailangang ko maging honest sa'yo"

Toni Fowler, hindi nagustuhan ang regalo ni Vince Flores: "Kailangang ko maging honest sa'yo"

- Minabuti ni Toni Fowler na ibahagi ang kanyang saloobin sa natanggap na regalo mula kay Vince Flores

- Sa kanyang bagong vlog ay pinakita ni Toni ang kanyang pagbubukas ng mga birthday gifts na kanyang natanggap

- Ani Toni, hindi niya nagustuhan na para lang daw bumili si Vince ng regalo nang hindi iniisip kung ano ang kailangan niya

- Dagdag pa niya, nanghihinayang siya sa perang pinambili nito sa bag na printed dahil ani Toni ay hindi naman siya gumagamit ng printed na bag

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsahang sinabi ni Toni Fowler na hindi niya nagustuhan ang binigay na regalo ni Vince Flores sa kanya para sa kanyang kaarawan. Aniya, parang hindi siya kilala ni Vince dahil sa regalo nito sa kanya.

Toni Fowler, hindi nagustuhan ang regalo ni Vince Flores: "Kailangang ko maging honest sa'yo"
Toni Fowler, hindi nagustuhan ang regalo ni Vince Flores: "Kailangang ko maging honest sa'yo" (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Naapreciate naman daw niya na nag effort si Vince pero hindi siya masaya dahil aniya ay parang hindi naisip ni Vince na hindi siya gumagamit ng printed na bag.

Read also

Regine Tolentino, nagpasalamat sa love and support matapos ang wardrobe malfunction niya

Bilang pangbawi naman, pinapunta ni Vince si Rob Moya dahil malaking bahagi naman ng buhay nina Toni at Tyronia si Rob.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate