Beverly Salviejo kay PBBM: "Sana mabigyan niyo din kami ng pansin"

Beverly Salviejo kay PBBM: "Sana mabigyan niyo din kami ng pansin"

- Naglabas ng saloobin ang aktres na si Beverly Salviejo kay Pangulong Bongbong Marcos

- Matatandaang si Beverly ay isa sa mga artistang sumuporta sa kampanya ni PBBM noong 2022

- Subalit ngayo'y may panawagan si Beverly na sana'y sila naman umano ang mapansin ng kasalukuyang administrasyon

- Gayunpaman, wala raw umano siyang pinagsisisihan sa kanyang napiling suportahan at nilarawan pa niyang 'pinakamahusay for the job' si PBBM

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas ng saloobin ang singer/actress na si Beverly Salviejo patungkol umano kay Pangulong Bongbong Marcos.

Beverly Salviejo kay PBBM: "Sana mabigyan niyo din kami ng pansin"
Beverly Salviejo kasama si Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Marcos (Orig Beverly Salviejo)
Source: Facebook

Matatandaang si Beverly ang isa sa mga artistang sumuporta kay PBBM sa kandidatura nito sa pagkapangulo noong 2022.

Subalit ngayo'y aminado si Beverly na tila nakararamdam umano siya ng disappointment sa kabila ng pagkapanalo ng sinuportahan sa pagkapangulo.

"Ang sa'kin, ang diasappointment ko ay parang napapabayaan 'yung mga maraming sumuporta"

Read also

Wilbert Tolentino, magbibitiw na bilang manager ni Herlene Budol: "Effective July 31, 2023"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, wala umano siyang pinagsisihan sa napiling suportahan dahil nilarawan niya si PBBM bilang 'pinakamahusay for the job.'

"During that time, siya talaga ang pinakamagandang choice. When it was my time to do my choice, pumili po ako, nasa utak ko na siya ang pinakamahusay for the job"

Subalit kung mabibigyan umano siya ng pagkakataong makausap ang pangulo, hiling niya'y sila nama'y mapansin lalong-lalo na para sa sining at kultura ng bansa.

"Ako ang aking gusto talaga, sana matutukan 'yung culture nd arts. Dahil ako, naniniwala ako na sa kultura natin manggagaling yung value formation"

Napapansin niya umano na ang ilan sa mga nakakasama ngayon ng pangulo sa administrasyon ay pawang hindi tulad nilang sumuporta kay PBBM.

"Sir, bigyan niyo naman po kami ng, give us a fighting chance. lahat 'yung mga sumuporta sa'yo. Dami namin e, 31 million kami. Bakit parang ngayon hindi masyadong importante. Nakikita namin kasama mo sa Malacanang, kasama mo sa kung saan saan, 'yung dilawan. Dahil ba sa kailangan mo silang ligawan para kumampi sa'yo? Kailangan mo bang baliwalain kami? Ina-add mo sila pero mina-minus mo kami...Naiinggit ako siguro. Kasi sila 'yung napapansin e. Asaan kami?"

Read also

Andrea Brillantes, iniyakan pagkakaroon ng congenital anosmia dahil wala raw itong lunas

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa panayam sa kanya ni Morly Alinio:

Si Beverly Salviejo ay isa sa mga aktres at singer sa Pilipinas. Kilala rin siya sa pagiging komedyante. Isa rin siya sa mga sumuporta kay Pangulong Bongbong Marcos sa kandidatura nito noong 2022.

Tulad ni Beverly, naglabas din kamakailan ng kanyang saloobin ang aktres na si Elizabeth Oropesa. Matapang na inamin ni Elizabeth na tila may hinanakit umano siya sa naturang pamilya lalo na umano sa kasalukuyang presidente. Aniya, 37 taon na siyang Marcos loyalist subalit taliwas sa inaasahan ng marami, wala umano siyang anumang posisyon sa kasalukuyang administrasyon.

Samantala, sina Beverly at Elizabeth ay parehong naging bahagi ng pelikulang 'Martyr o Murderer' sa direksyon ni Darryl Yap.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica