Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanyang kantang #hongkakokkakirira
- Nagbahagi si Melai Cantiveros ng bagong video sa kanyang Instagram account
- Kinaaliwan ng mga netizens ang kanta niya na tinawag niyang #hongkakokkakirira
- Isang Korean ang kanyang nakasama sa naturang video na aniya ay kanyang chinggo
- Maging ang mga netizens ay nagkomento at naaliw sa video ni Melai
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Kinaaliwan si Melai Cantiveros sa kanyang bagong Instagram post kung saan kasama niya ang isang Koreano. Kinaaliwan ng mga netizens ang kanta niya na tinawag niyang #hongkakokkakirira.
Aniya, nabudol niya ang kanyang chinggo na sumali sa kanyang video. Kasalukuyang nasa South Korea ang buong pamilya niya para sa trabaho ni Melai.
Day 7 is day of Album and Music Video Released☝️️️️ Featuring : @myoungdongbabo and #mamakamsamiiii #hongkakokkakirira #soon #maamchief #kamsamiii Nagawan nanaman natin ng paraan na makabudol tayu ng video sa aking chinggo dtu sa Korea
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Maging ang mga netizens ay nagkomento at naaliw sa video ni Melai. Narito ang ilang komento ng netizens:
Bakit may kangaroo sa lyrics, Momshie? HAHAHAHAH need po namin ng full length lyrics with guitar chords please
Di ko kinaya ang music video Kpop artists are shaking, and Recording companies are getting ready for signing of contract
bwahahaha @yosoyosh hindi ko na kinakaya to kamsamida
Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.
Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.
Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh