Ogie Diaz sa bashers ni Lea Salonga: "di porque nagbayad tayo e may karapatan na tayo sa artista"

Ogie Diaz sa bashers ni Lea Salonga: "di porque nagbayad tayo e may karapatan na tayo sa artista"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz ukol sa mga umano'y bumatikos kay Lea Salonga

- Ito ay patungkol sa viral video kung saan makikitang hindi basta pumayag si Lea na makipag-picture ang umano'y fans na wala sa guest list

- Makikita sa video na pinagbigyan naman niya ang mga ito subalit 'di sa loob ng kanyang dressing room

- Ani Ogie, nararapat lamang na irespeto ang tinatawag na 'safe space' ng bawat indibidwal, artista man o hindi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Ogie Diaz at mga kasama niya sa kanyang Showbiz Update YouTube channel ay napa-react sa mga umano'y bumatikos kay Lea Salonga sa viral video ukol sa kanya.

Ogie Diaz sa bashers ni Lea Salonga: "di porque nagbayad tayo e may karapatan na tayo sa artista"
Lea Salonga (Lea Salonga)
Source: Facebook

Ito ay kuha umano ng isang fan na nais sanang magpa-picture sa kanya. Subalit makikitang ipinaliwanag ni Lea sa video na wala umano sa guest list ang grupo kaya't hindi niya ito mapahintulutan sa loob ng kanyang dressing room. Nasabi rin ni Lea na kung pahihintulutan niya ang grupo, maaring dumagsa na rin ang iba.

Read also

Pambansang Kolokoy, nilinaw na kailanma'y 'di naisama sa picture o video ang bagong partner

Sa naturang video, makikitang itinuro rin niya kung saan nila maaring gawin ang photo opportunity subalit hindi na sa loob ng kanyang dressing room. Kaya naman masasabing pinagbigyan pa rin niya ang mga fans na nais na makasama siya sa larawan.

Subalit tila inalmahan ito ng ilan at sinabing sana'y pinagbigyan na agad ni Lea ang grupo ng fans sa dressing room pa lamang niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kung matalino kang tao, naiintindihan mo na safe space ng mga artista ang dressing room. Kanila 'yun, walang pwedeng pumasok 'dun. Even the production people magpapaalam pa 'yan," ani Ogie.

"Hindi porque nagbayad tayo e may karapatan na tayo sa artista. At tigilan na nung ibang netizen yung kakasabi na kung hindi dahil sa inyo e wala ka naman diyan sa pwesto mo... tumigil na kayo.Intindihin din po natin ang mga artista. Kasi kung kayo naman po ang nasa kanilang kalagayan, baka maintindihan naman niyo rin yan," dagdag pa niya.

Read also

Ivana, naikwentong may umaway umano sa kanya sa isang recent show

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Maria Lea Carmen Imutan Salonga ay isang Filipina award-winning international singer and actress. Nakilala siya sa buong mundo sa napakahusay niyang pagganap bilang 'Kim' sa musical na Miss Saigon kung saan nagwagi siya ng Tony Award. Siya rin ang kauna-unahang Asian woman na nakakuha ng award na ito. Kilala rin si bilang singing voice ng ilang mga Disney Princess characters tulad nina Jasmine at Mulan.

Kamakailan ay gumawa ng ingay sa social media ang kanyang pangalan dahil sa video na kuha sa kanya ng ilang fans. Nagbigay din ng ilang komento si Lea ukol sa mga nangyari sa naturang video.

Samantala, bukod kay Ogie Diaz, isa rin ang motivational speaker na si Rendon Labador sa mga nagbigay komento sa naturang viral video. Subalit ayon kay Rendon, tila napahiya umano ang mga fans.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel