Sabrina M, nagpost tungkol sa kaibigang naninira kapag nakakatampuhan
- Nagbahagi si Sabrina M ng dubbed video sa TikTok tungkol sa aniya'y kaibigan
- Aniya, nakakadiri itong kaibigan dahil naninira daw kapag nakakatampuhan
- Nakalakip din sa video ang kanta na may lirikong "Andami-dami kong kaibigang peke"
- Matatandaang naging usap-usapan si Sabrina matapos ang kanyang kontrobersiyal na pahayag tungkol sa umano'y relasyon nila noon ng yumaong aktor na si Rico Yan na inalmahan ni Claudine Barretto
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nag-post si Sabrina M. ng isang video sa TikTok tungkol sa aniya'y kaibigan niyang nakakadiri dahil nainira kapag nakakatampuhan. Nakalakip din sa video ang kanta na may lirikong "Andami-dami kong kaibigang peke."
Wala itong binabanggit na pangalan kagaya sa iba niyang mga video na may mensahe tungkol sa kaibigang nanira sa kanya.
Matatandaang nagsalita kamakailan ang isa sa kilalang kaibigan niya na si Katrina Paula upang pabulaanan ang pahayag niya tungkol sa umano'y relasyon nila noon ng isang yumaong matinee idol.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Maricaren Pallasigue na mas kilala bilang si Sabrina M ay isang aktres sa Pilipinas noong 90's. Kamakailan, nagbabalik showbiz siya sa pelikulang "Manang." Nito lamang Hulyo 6, sa presscon ng naturang pelikula, ginulantang niya ang publiko sa umano'y rebelasyon tungkol sa naging relasyon nila ni Rico Yan. Sa kwento niyang ito, lumalabas na siya ang huling nakarelasyon ng aktor bago ito namayapa. Bilang patunay, sinabi pa ni Sabrina na sa libing ng aktor, inabutan pa siya ng bulaklak ng kapatid ni Rico na si Bobby para maisaboy sa kabaong ng aktor.
Maging si Cristy Fermin ay umalma sa umano'y rebelasyon kamakailan ni Sabrina M tungkol sa namayapang aktor na si Rico Yan. Ani Cristy, imposible ang sinasabing dalawang taong relasyon nina Sabrina at Rico gayung si Claudine ang huling nakarelasyon ng aktor. Kaugnay nito, inalala rin ni Cristy ang pagkakataong siya ang naging daan para makausap lang ni Claudine ang labi ni Rico. Ito ay dahil sa binawalan umano ng pamilya ng aktor na magtungo si Claudine sa burol nito.
Ayon kay Sabrina M, wala daw mangyayaring public apology kaugnay sa kanyang sinabi sa umano'y naging ugnayan nila ng yumaong aktor na si Rico Yan. Matatandaang pumalag ang kampo ni Claudine sa pahayag niyang ito at pinasinungalingan din ng isang kaibigan ni Sabrina ang tungkol sa umano'y relasyon nila noon. Matapos nga ang paglabas ng balita ay inihayag ng kampo ni Claudine ang plano ng kampo nila na magsampa ng kaso. Binigyan si Sabrina ng 72 hours ng abogado ni Claudine para mag-public apology at lumagpas na nga ito.
Source: KAMI.com.gh