Pura Luka Vega nang matanong kung gagawin muli niya ang paggaya kay Kristo: "Yes"

Pura Luka Vega nang matanong kung gagawin muli niya ang paggaya kay Kristo: "Yes"

- Isang diretsang 'Yes" ang naisagot ni Pura Luka Vega nang matanong kung gagawin muli niya ang kontrobersyal na paggaya kay Kristo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa panayam sa kanya ni Pinky Webb ng The Source, nagbigay pahayag si Pura tungkol sa paghingi niya ng dispensa sa naturang act

- Nabanggit din ni Pura na hindi umano ito ang unang beses na ginaya niya si Kristo tulad ng kumakalat na video

- Gayunpaman, sa kabila umano ng paghingi ng dispensa ni Pura pakiramdam niya'y nausig na siya ng publiko

"Yes" ang sagot ni Pura Luka Vega nang matanong siya ni Pinky Webb ng The Source kung gagawin pa rin niya muli ang naturang drag performance na umani ng kabi-kabilang negatibong reaksyon.

Pura Luka Vega nang matanong kung gagawin muli niya ang paggaya kay Kristo: "Yes"
Pura Luka Vega (@puralukavega)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Pura Luka Vega, muling gumawa ng ingay sa socmed dahil umano sa 'ostiya'

Matatandaang kamakailan ay gumawa ng ingay sa social media ang video ni Pura na ginaya ang imahe ni Kristo habang kinakanta pa ang remix ng 'Ama Namin'.

Inalmahan ito ng publiko lalong-lalo na ng mga Katoliko gayung ang awit panalangin na ito ay labis na sagrado.

Sa naturang panayam din sa kanya sa The Source, humingi na ng dispensa si Pura subalit pakiramdam niya'y nausig at nahusgahan din siya sa bagay na para sa kanya'y hindi masama.

I apologize if I made other people uncomfortable. But I also think that with the whole attention that was given to me, and with all the hate messages and all of that I feel like I also was unfairly judged. And I'm basically persecuted in a way."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa The Source ng CNN Philippines:

Ang Drag Party ay isang uri ng social gathering kung saan malaya 'di umano ang mga drag artist na gumaya ng mga kilalang personalidad. Isang halimbawa nga rito ay ang kontrobersyal na panggagaya umano ni Pura Luka Vega na nakadamit na tulad umano ng imahe ni Hesukristo.

Read also

Lea Salonga, ipinaliwanag sa fans ang protocol sa pagpasok sa dressing room

Gumawa ng ingay performance na ito ni Pura dahil sa umano'y paggaya niya kay Jesus Christ at nakadagdag pa sa isyu ay ang pag-awit ng 'Ama Namin' na sagradong dasal para sa mga Katoliko.

Isa sa mga umalma sa naturang kontrobersiya ay ang ex-PBB housemate na si Karen Bordador. Nilarawan niyang "looked evil" ang naturang palabas. Katunayan, hindi na raw niya natapos pa ang buong video na kalat na kalat na ngayon sa social media pages. Gayundin si Bataan Rep. Geraldine Roman na bilang kapwa LGBT, pinaalalahanan niya si Pura sa mga bagay na maaring madamay ang kanilang komunidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica