Lea Salonga, ipinaliwanag sa fans ang protocol sa pagpasok sa dressing room

Lea Salonga, ipinaliwanag sa fans ang protocol sa pagpasok sa dressing room

- Trending si Lea Salonga sa kasalukuyan kasunod ng paglabas ng isang video kung saan ipinaliwanag niya sa fans ang protocol sa pagpasok sa dressing room

- Nakipag-usap ang fan sa kanya sa labas ng kanyang dressing room matapos ang kanilang show para magpa-picture

- Ipinaliwanag ni Lea na sa kanilang safety protocol ay bawal magpapasok sa dressing room lalo na kung wala sa listahan ng mga taong pwede lang nandoon

- Pinagbigyan naman ni Lea ang mga fans sa hiling na picture kasama siya pero itinuro niya ang mga ito kung saan ang tamang lugar para doon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinaliwanagan ni Lea Salonga ang fans na pumunta sa kanyang dressing room para sana magpa-picture. Ani Lea, hindi sila pwede doon dahil sinusunod lamang niya ang kanilang safety protocol.

Read also

Billy Crawford, nagpasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya sa France

Lea Salonga, ipinaliwanag sa fans ang protocol sa pagpasok sa dressing room
Lea Salonga, ipinaliwanag sa fans ang protocol sa pagpasok sa dressing room (@missleasalonga)
Source: Facebook

Pinagbigyan naman ni Lea ang mga fans sa hiling na picture kasama siya pero itinuro niya ang mga ito kung saan ang tamang lugar para doon.

Paliwanag pa ni Lea, kapag pinagbigyan niya sila ay maaring gawin din ng ibang mga tao doon.

Nag-post ang netizen kaugnay sa naturang insidente kung saan pinaliwanag niyang proud sila kay Lea dahil sa karangalan na dala nito sa banda.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nalungkot man na napagsabihan, nag-udyok ang netizen na nagpost ng video na suportahan pa rin ang palabas ni Lea at iparamdam ang suporta sa ating kababayan.

Narito ang ilan sa komento ng netizens kaugnay dito:

People, there is a protocol and you have to follow it. Respect. Period.
Kasi nga pag pinagbigyan kayo, others will follow the wrongdoing. I dont see anything wrong from Leah here.

Read also

JHS student na nakatanggap ng Php100,000 money garland mula sa kanyang tita, viral

Lea is just concerned about her safety. Hindi pwedeng papasukin ang wala sa listahan. Nagpicture pa din naman kayo.

Si Lea Salonga ay isang mang-aawit na nakilala sa mga musical theater shows sa ibang bansa. Sa katunayan, siya ang boses sa likod ng mga awtin ng mga Disney characters na sina Princess Jasmine at Mulan.

Matatandaang nagbahagi ng kanyang tribute si Lea Salonga para sa yumaong aktres na si Cherie Gil. Napanood daw niya si Cherie sa dalawa nitong show kung saan bumilib siya sa husay nito. Aniya, one-of-a kind si Cherie at hindi niya ito makakalimutan. Marami naman ang naantig sa post na ito ni Lea kabilang na ang kapatid ni Cherie na si Michael de Mesa.

Samantala, sa isang post ay binahagi ni Lea ang kanyang saloobin kaugnay sa dumaraming netizens na hindi maganda ang ugali. Aniya, malalaman at mapaptunayan ito kaag nagbabasa sa mga comments section ng mga social media posts. Aniya, nagpapakita sa mga komento ang mga ugali ng mga taong nagkokomento kabilang na ang mga taong walang respeto at entitled. Gayunpaman, nagpapasalamat siya na may mga tao namang hindi bastos at marespeto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel