Cristy Fermin kay Sabrina M: "Hindi niya yan itatago kung totoong naging sila ni Rico Yan"
- Maging si Cristy Fermin ay nagbigay komento sa umano'y naging pahayag ni Sabrina M tungkol sa kanila ni rico Yan
- Nahingan din niya ng pahayag ang isa sa mga malalapit na kaibigan ni Sabrina na si Katrina Paula
- Ayon pa kay Cristy, sa pagkakakilala niya kay Sabrina, hindi nito itatago ng ganoon katagal kung totoong nagkaroon sila ng relasyon ni Rico
- Naikwento rin ni Katrina ang pagkakataong nakasalamuha niya si Claudine Barretto na aniya'y sobrang bait sa kanya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Inalmahan din ni Cristy Fermin ang naging pasabog 'di umano ni Sabrina M na nagkaroon daw sila ng mahigit dalawang taong relasyon ni Rico Yan.
Sa presscon ng kinabibilangan nitong proyekto na "Manang" marami ang nagulantang sa naging pahayag ni Sabrina kung saan nasabi pa nitong alam ni Claudine Barretto at kapatid ni Rico na si Bobby Yan ang kanila umanong naging relasyon.
Dahil dito, marami ang tila naghanap ng resibo, o ebidensya na makapagpapatotoo ng nasabi niyang ito.
Isa na rito si Cristy na naisipang hingan ng pahayag si Katrina Paula na isa sa naging malapit na kaibigan ni Sabrina M.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Maging si Katrina ay sinopla ang nasabi ni Sabrina gayung likas na mabait lang talaga at marespeto si Rico.
Ayon din mismo kay Cristy, sa pagkakakilala niya kay Sabrina, hindi nito maitatago ang relasyon sa namayapang aktor.
"Sa pagkakakilala ko kay Sabrina, Ipagmamalaki niya yan. Hindi niya yan itatago kung totoong naging sila ni Rico Yan."
"Namayapa si Rico Yan 2002. Nandun kami literal. Araw-gabi halos. Ni anino ni Sabrina M hindi naman nakita sa burol at sa libing. Pano niya sasabihin na magka-live in sila ni Rico Yan e ang magka-live in noon, si Claudine at si Rico," dagdag pa ni Cirsty.
Kaya naman maging si Cristy ay isa sa mga nakikiusap kay Sabrina na tigilan na umano ang pagpapakalat ng bagay na aniya'y wala namang katotohanan.
Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa One PH YouTube channel:
Si Maricaren Pallasigue na mas kilala bilang si Sabrina M ay isang aktres sa Pilipinas noong 90's. Kamakailan, nagbabalik showbiz siya sa pelikulang "Manang."
Nito lamang Hulyo 6, sa presscon ng naturang pelikula, ginulantang niya ang publiko sa umano'y rebelasyon tungkol sa naging relasyon nila ni Rico Yan. Sa kwento niyang ito, lumalabas na siya ang huling nakarelasyon ng aktor bago ito namayapa noong March 29, 2002. Bilang patunay, sinabi pa ni Sabrina na sa libing ng aktor, inabutan pa siya ng bulaklak ng kapatid ni Rico na si Bobby para maisaboy sa kabaong ng aktor.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh