Suzette Doctolero: "I hope MTRCB aspires to promote healthy competition in the world of television"

Suzette Doctolero: "I hope MTRCB aspires to promote healthy competition in the world of television"

- Nagbahagi si Suzette Doctolero ng kanyang opinyon kaugnay sa pinataw na 12-day suspension sa 'It's Showtime'

- Aniya, imbes sana na gumawa ng aniya'y "extreme measures" ang MTRCB mas maigi raw na magpromote ng healthy competition ang ahensiya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matatandaang kamakailan ay nabanggit ni Suzette na napagtanto niyang masayang panoorin ang It's Showtime

- Ito ay simula nang makapag-ere sa GTV ang noontime show at napanood niya ito

Para kay Suzette Doctolero, imbes daw sana na gumawa ng aniya'y "extreme measures" ang MTRCB mas maigi raw na mag-promote ng healthy competition ang ahensiya.

Suzette Doctolero: "I hope MTRCB aspires to promote healthy competition in the world of television"
Suzette Doctolero: "I hope MTRCB aspires to promote healthy competition in the world of television"
Source: Instagram

Aniya, ito ang makakatulong sa pag-usbong at paglago ng industriya ng telebisyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

MTRCB, naglabas ng statement: "Chairperson Lala Sotto inhibited from voting"

Competition fuels progress. Instead of resorting to extreme measures that could be perceived as undermining the rival show, I hope MTRCB aspires to promote healthy competition in the world of television. This is the only way to ensure our industry’s growth.

Matatandaang kamakailan ay nabanggit ni Suzette na napagtanto niyang masayang panoorin ang It's Showtime.

Aniya, maging ang EB at nagiging masaya na rin daw. Kaya naman, inanyayahan niya ang mga netizens na panoorin at suportahan ang dalawang noontime shows.

Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinaka-matagal variety show ng ABS-CBN.

Naibahagi din ni Vice Ganda na mismong siya ang nag-request sa ABS-CBN executive na si Cory Vidanes kung pwede daw ba siyang mag-guest sa isang show sa GMA-7. Hindi niya binanggit kung anong show ang tinutukoy niya pero aniya ay gusto talaga niya mag-guest doon kung mabibigyan ng pagkakataon. Aniya, marami din ang nagtatanong at nag-aabang kung makapag-guest daw ba kaya siya sa show na iyon. Ayon naman daw kay Tita Cory ay sasabihin niya sa mga boss at baka magawan ng paraan.

Read also

Mayor Niña Jose, nakausap na ang nagkomento sa kanya at ang magulang nito

Maging ang mga employees ng GMA-7 ay masayang tinanggap ang paglipat ng It's Showtime sa GTV. Sa isang video na nilabas sa social media ay makikita ang ilang GMA employees na kumakanta ng theme song ng It's Showtime. Ilang Kapuso stars din ang bumisita sa It's Showtime sa unang araw nito sa GTV. Kabilang sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Christian Bautista, Mark Bautista, Richard Yap, Pokwang, Rayver Cruz, at Rodjun Cruz sa mga guests.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate