Paolo Contis, sa mga anak: "I will never ever enter their lives para manggulo"

Paolo Contis, sa mga anak: "I will never ever enter their lives para manggulo"

- Aminado si Paolo Contis na labis niya umanong pinagsisisihan ang oras na nawala sa kanila ng kanyang mga anak

- Aniya, ikinatatakot din niya ang posibilidad na hindi na niya makausap ang mga ito

- Gayunpaman, nilinaw ni Paolo na wala umano siyang balak na manghimasok sa buhay ng mga anak para manggulo

- Si Paolo ay may dalawang anak sa dating partner na si Lian Paz habang nabiyayaan naman siya ng isang anak kay LJ Reyes

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay sa panayam ni Ogie Diaz kay Paolo Contis ay ang tungkol sa mga anak nito.

Paolo Contis, sa mga anak: "I will never ever enter their lives para manggulo"
Paolo Contis at kanyang mga anak (@paolo_contis)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na natanong ni Ogie si Paolo kung nami-miss nito ang mga anak.

"Oo naman. Plastik ko kung hindi. Yes definitely," agad na sagot ni Paolo.

Read also

Paolo Contis sa bashers: "'Yung pinagkamalian ko nga nag-move on na, move on ka na rin"

"It's just really sad na naging collateral damage sila sa mga kamalian ko. Kung meron akong regret 'yun yung mga oras na nawala... For me, buong buhay ko yung pagsisisiihan." dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nilinaw din ni Paolo na sa kabila ng takot sa posibilidad na 'di na umano makausap ang mga anak, wala din naman umano siyang intensyon na guluhin pa ang mga ito sa piling ng kani-kanilang ina.

"But more than than anything, ang isang fear ko is that I will never get the opportunity to actually talk to them. I will never ever enter their lives para manggulo," ani Paolo.

"Just to have a decent conversation, that's all I'm asking," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya sa Ogie Diaz YouTube channel:

Read also

Paolo Contis sa nagsasabing namimigay siya ng premyo pero hindi sustento: "bobo"

Si Paolo Contis ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at hanggang ngayon at aktibo pa rin sa showbiz. Katunayan, isa si Paolo sa napiling maging host ng Eat Bulaga matapos na umano'y lisanin nina Tito, Vic at Joey ang TAPE Inc. noong Mayo 31.

Samantala, matatandaang naging usap-usapan din noon si Paolo dahil sa hiwalayan nila ni LJ Reyes at labis ding gumawa ng ingay ang isyu sa pagiging ama ni Paolo na aminadong hindi nakapagbibigay umano ng sustento sa mga anak. Kabi-kabilang pambabatikos ang natamo ng aktor dahil dito at hanggang ngayon ay tila hindi pa ring humuhupa ang kontrobersiyang ito tungkol sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica