Anak nina LJ Reyes at Paolo Contis na si Summer, flower girl sa kasal ni LJ

Anak nina LJ Reyes at Paolo Contis na si Summer, flower girl sa kasal ni LJ

- Si Summer daw ang magiging flower girl sa nalalapit na kasal ni LJ Reyes at kanyang fiancé na si Philip Evangelista

- Ayon kay Cristy Fermin ay puspusan na ang paghahanda nina Philip at LJ sa kanilang kasal

- Matatandaang nag-viral ang post ni LJ kamakailan kaugnay sa kanyang engagement

- Marami ang masaya para kay LJ na matupad ang pangarap niya na maihatid ng kanyang magulang para salubungin ng kanyang mapapangasawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matindihan na ang paghahanda nina LJ Reyes at kanyang fiancé na si Philip Evangelista para sa kanilang pagpapakasal. Sa episode ng Cristy FerMinute ngayong araw ay nabanggit niyang ang anak nina Paolo at LJ na si Summer ang magiging flower girl sa kasal.

Anak nina LJ Reyes at Paolo Contis na si Summer, flower girl sa kasal ni LJ
Anak nina LJ Reyes at Paolo Contis na si Summer, flower girl sa kasal ni LJ (@lj_reyes)
Source: Instagram

Dahil teenager na raw si Aki ay malamang iba ang magiging papel nito sa kasal ng kanyang ina. Ayon pa kay Manay Cristy ay katuparan ng pangarap ni LJ na maihatid ng kanyang magulang para salubungin ng kanyang mapapangasawa.

Read also

Php1 million na bigay ni Kiray Celis sa kanyang ina, mula umano sa kanyang online selling

Kamakailan nga ay naiulat ng KAMI ang pasilip sa wedding planning na nina LJ at Philip sa kanyang Instagram story. Makikita sa kanyang post ang kanilang pakikipag-usap sa makeup artist na si Mikka Marcaida at sa Nice Print Photography.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ni-repost ni LJ ang IG story ni Charisse Tinio ng Nice Print Photography. Matatandaang marami ang nabigla sa pagpost ni LJ kamakailan ng kanyang engagement pero ikinatuwa ng karamihan na masaya si LJ sa kabila ng kanyang pinagdaanan.

Si LJ Reyes o Lourna Jane Pujeda Reyessa totoong buhay ay isang Filipina actress. Sumikat siya nang tanghaling isa sa Final Four sa 2nd season ng reality talent search ng "StarStruck".

Kamakailan ay binahagi ni LJ ang picture ng anak nila ni Paolo Contis na si Summer. Sa naturang picture, makikita si Summer na nasa park at nakangiti sa camera. Marami sa mga netizens ang nagkomento sa pagiging cute ng anak ni LJ. Matatandaang noong nakaraang taon ay tumulak papuntang New York ang mag-iinang LJ, Aki at Summer at doon na namalagi.

Read also

Michael V, nagluluksa sa pagpanaw ng makeup artist niya sa loob ng 25 years

Isang pagbati naman ang binahagi ni LJ para sa kaarawan ng panganay na anak niyang si Aki. Sa kanyang Instagram post, binahagi ni LJ ang mga litrato ng anak. Isang nakakaantig na mensahe ang kalakip ng kanyang mga pictures. Ani LJ, marami siyang natutunan kay Aki pagdating sa pagiging magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate