Michael V, nagluluksa sa pagpanaw ng makeup artist niya sa loob ng 25 years

Michael V, nagluluksa sa pagpanaw ng makeup artist niya sa loob ng 25 years

- Nagbigay-pugay si Michael V sa kanyang makeup artist at hairstylist niya na siyang nag-aayos sa kanya sa mga iba't-ibang karakter na ginampanan ni Bitoy

- Aniya, sa loob ng 25 years ay ito ang siyang nag-aayos kay Michael V sa lahat ng iconic looks niya sa shows, print ads at TV Commercials

- Ikinalungkot daw niya na malaman ang balita tungkol sa pagpanaw ng makeup artist niyang si 'Maria' o Mario Bernardino

- Kalakip ng mensahe na ito ni Michael V ay binahagi niya ang pictures nilang magkasama at ilan sa kanyang mga iconic looks

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ikinalungkot ni Michael V ang balitang pumanaw na ang kanyang makeup artist at hairstylist sa loob ng 25 years. Sa kanyang post ay nagbigay-pugay si Bitoy sa makeup artist niya na siyang nag-ayos sa kanya sa lahat ng kanyang mga iconic looks para sa kanyang mga shows, print ads at TV Commercials.

Read also

Alden, nakwento ang pagiging brokenhearted: "Start of 2023, first three months of it"

Michael V, nagluluksa sa pagpanaw ng makeup artist niya sa loob ng 25 years
Michael V, nagluluksa sa pagpanaw ng makeup artist niya sa loob ng 25 years
Source: Instagram

Sa kanyang post ay binahagi niya ang pictures niya kasama ang makeup artist niyang si 'Maria' o Mario Bernardino.

Madalas n’yo ’kong makita na naka-character sa mga shows, print ads at TVCommercials na ginagawa ko. All this time, ang makeup artist at hairstylist ko is this wonderful human being named Mario Bernardino or “MARIA” for short.

Ito daw ang tao sa likod ng itsura ng kanyang mga tumatak na karakter sa loob ng 25 na taon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matagal na kaming magka-tandem ni Maria; more than 25 years na. When I look my best and when I look like someone else, Maria has always been behind those looks.

Si Beethoven Del Valle Bunagan o mas kilala sa kanyang screen name na Michael V. o Bitoy ay isang actor, comedian, at recording artist. Kabilang sa kanyang mga palabas sa GMA-7 ay Bubble Gang at Pepito Manaloto.

Read also

Jennica Garcia, naantig sa painting ng anak: "We are whole"

Matatandaang naging usap-usapang si Rendon Labador matapos niyang magkomento kaugnay sa pahayag ni Michael V tungkol sa mga content creator. Ani Michael, ang unang bagay na dapat maintindihan ng mga content creator ang salitang content. Ayon naman kay Rendon, laos na ang mga nasa mainstream media at ang mga influencers na daw ang celebrities sa kasalukuyan. Dagdag pa ni Rendon ay dapat manahimik na lang ang mga celebrities kung hindi nila kayang makipagsabayan sa mga influencers sa paggawa ng content.

Sumagot si Rendon sa mga nagtanggol kay Michael V kasunod ng kanyang pahayag. Muli niyang iginiit na laos na daw ang mga artistang ito at wala raw siyang pakialam. Aniya, kahit magkampihan pa silang lahat at dapat daw tanggapin na nila ang katotohanan. Matatandaang nag-ugat ang isyu matapos maglabas ng pahayag ni Rendon laban kay Michael V kaugnay sa pahayag nito tungkol sa dapat matutunan ng mga content creator.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel