JK Labajo, nawindang sa biglang pag-tumbling ni Andrea Brillantes

JK Labajo, nawindang sa biglang pag-tumbling ni Andrea Brillantes

- Binahagi ni Andrea Brillantes ang blooper sa kanyang TikTok video kung saan makikita ang kaibigan niyang si JK Labajo

- KInaaliwan ang reaksiyon ni JK na napahawak pa sa dibdib niya sa gulat nang biglang nag-tumbling si Andrea

- Nagtawanan silang magkaibigan matapos mapansin ni Andrea ang reaksiyon ni JK

- Samantala, umabot na sa 8 million views ang Tiktok video niya kung saan ginawa niya ang TikTok trend na 'Ba't malungkot ang beshy ko?'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang video ni Andrea Brillantes kung saan binahagi niya ang blooper ng paggawa niya ng TikTok trend na 'Ba't malungkot ang beshy ko.' Makikita sa video ang pagkagulat ni JK Labajo nang bigla na lang nag-tumbling si Andrea.

JK Labajo, nawindang sa biglang pag-tumbling ni Andrea Brillantes
JK Labajo, nawindang sa biglang pag-tumbling ni Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

Nagtawanan silang magkaibigan matapos mapansin ni Andrea ang reaksiyon ni JK.

Read also

Alex Gonzaga, pinakita ang picture ng kanyang ate sa aniya'y 'mother role' nito

Ang TikTok trend na ito ay hango sa video ng dalawang bata na nagtu-tumbling habang nagpapalitan ng kanilang litanya. Nauso ito maging sa ibang social media platforms kagaya ng Twitter at Facebook kung saan ginagamit ang emoji ng taong tuma-tumbling.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, umabot na sa 8 million views ang Tiktok video niya kung saan ginawa niya ang TikTok trend na 'Ba't malungkot ang beshy ko?'

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Read also

Vice Ganda sa chant ni Anne Curtis: "Ang ganda nung chant, pang-Poblacion"

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate