Awra Briguela may bagong cryptic post: "Grabeh tigas ng pes"

Awra Briguela may bagong cryptic post: "Grabeh tigas ng pes"

- Nag-post si Awra Briguela sa Twitter ng makahulugang mensahe para sa taong hindi niya pinangalanan

- Kasunod ito ng paglabas ng panayam ni Ricci Rivero kay Boy Abunda kung saan nagsalita siya tungkol sa kanilang paghihiwalay ni Andrea Brillantes

- Dahil sa timing ng kanyang pag-post ay hindi maiwasang mabanggit ng mga Twitter users ang pangalan ng basketbolista sa tweet ni Awra

- Si Awra ay isa sa kilalang malapit na kaibigan ni Andrea kaya hindi maiwasang makonekta ng netizens ang kanyang tweet

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

May bagong cryptic post si Awra Briguela para sa taong hindi niya pinangalanan. Aniya ay parang rock sa tigas ng mukha ang taong kanyang tinutukoy.

Awra Briguela may bagong cryptic post: "Grabeh tigas ng pes"
Awra Briguela may bagong cryptic post: "Grabeh tigas ng pes" (@awrabriguela)
Source: Instagram

Dahil kakalabas lang din ng panayam ni Boy Abunda kay Ricci Rivero ay hindi naiwasang maikonekta ng netizens ang tweet na ito ni Awra sa ex ng kaibigan niyang si Andrea Brillantes.

Read also

Gerald Anderson, sumablay sa pag-shoot matapos kantyawan: "Para kay Kim Chiu"

Ilang beses na rin nagsalita si Awra ng mga makahulugang mensahe matapos lumabas ang balita tungkol sa paghihiwalay nina Andrea at Ricci.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz. Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Matatandaang binahagi ni Awra ang kanyang karanasan nang manood siya ng UAAP women’s volleyball sa MOA Arena. Aniya, habang marami ang nagpapa-picture ay agad na gumalaw ang mga taong kumuha ng cellphone niya. Naibahagi niya pa ang location ng kanyang cellphone at nakiusap kung pwedeng ibalik na lamang ito dahil hindi naman na umano mapapakinabangan ang cellphone sakaling ma lock na ito.

Pinagtanggol ni Awra si Donnalyn Bartolome sa gitna ng nararanasan nitong pambabatikos. Kaugnay ito sa kanyang "kanto-style" birthday party na binahagi ni Donnalyn kamakailan sa YouTube. Sa panayam ni MJ Marfori, sinabi ni Awra na nalulungkot siya na nais lang naman umano balikan ni Donnalyn kung paano siya mag-celebrate ng kaarawan niya noong walang-wala pa siya. Nilinaw niya rin na ang kanin na ginawang cake ay hindi idea ni Donna kundi napag-tripan lang siya ng kanyang mga kaibigan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate