Toni Fowler, inalala ang pagiging back up dancer sa It's Showtime
- Inalala ni Toni Fowler ang kanyang pagiging back-up dancer noon sa It's Showtime sa pamamagitan ng isang post
- Matapos niyang mag-guest ngayong araw at magsayaw bilang main act, napa-throwback si Toni
- Aniya ay walang paglagyan ang kanyang tuwa na muling makapag-perform sa naturang noontime show
- Naibahagi niya rin na tumagal siya ng tatlong taon bilang back up dancer dahil masaya siya sa kanyang trabaho
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Napa-throwback si Toni Fowler matapos niyang mag-perform ngayon sa It's Showtime. Naibahagi niyang 300 per day noon ang kanyang sahod at tumagal siya ng tatlong taon dahil aniya ay masaya siya sa kanyang trabaho.
Ani Toni, ay masaya siya na nakabalik siya sa It's Showtime at pinasalamatan niya ang Madlang Pipol sa suporta sa kanya na naging daan para makapagperform uli siya sa naturang noontime show.
Walang paglagyan yung saya ng puso ko na makapag sayaw ulit ako sa Showtime. Naalala ko noon 300 pesos lang per day ang sahod ko Nagtyaga ako ng tatlong taon dahil mahal ko ang trabaho ko at masaya akong magpasikat noon pa man
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.
Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.
Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh