Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang bagong unboxing video

Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang bagong unboxing video

- Kinaaliwan si Sarina Hilario sa kanyang bagong unboxing video kung saan binuksan niya ang iba-ibang Barbie items

- Mayroong sapatos, bag, damit at mga laruan na binuksan si Sarina at habang nagbubukas ay hindi niya maitago ang saya

- Marami ang naaliw sa nakakatuwang mga reaksiyon ng anak ng Sample King na si Jhong Hilario

- Sa kanyang murang edad ay dumarami na ang kanyang tagasubaybay at fans dahil sa kanyang pagiging smart

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang naaliw kay Sarina Hilario sa kanyang bagong unboxing video. Mayroong sapatos, bag, damit at mga laruan na binuksan si Sarina at habang nagbubukas ay hindi niya maitago ang kanyang kasiyahan.

Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang bagong unboxing video
Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang bagong unboxing video (@sarinahilario)
Source: Instagram

Marami ang naaliw hindi lang sa reaksiyon ni Sari kundi sa pagiging matatas nitong magsalita. Kaya naman, bukod sa mga positibong komento ay dumarami na rin ang kanyang tagahanga at tagasubaybay.

Read also

Maxene Magalona, kinabiliban sa kanyang 'Mga Kababayan ko' performance

Narito ang ilan sa mga komento:

We love you sarina nakakawala ka ng pagod ang baet na bata laging i love it

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Yung magaling pa sya mag english kesa sakin hahahha
Based on how she communicate, Sarina is gifted. She's smart.

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Read also

Michelle Dee nagbahagi ng mensahe: "Love, empathy and kindness over everything"

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate