Pokwang, nanghihinayang sa PokLee YouTube: "Ayaw namang ibigay sa amin ng anak niya"

Pokwang, nanghihinayang sa PokLee YouTube: "Ayaw namang ibigay sa amin ng anak niya"

- Hindi raw umano makuha ni Pokwang ang mga detalye ng YouTube channel nila na PokLee

- Ito ay nais sana niyang makuha sa dating partner na si Lee O'Brian subalit hindi raw ito pumapayag

- Kalahating milyon na ang subscribers nito kaya naman ganoon na lamang ang kanyang panghihinayang

- Sa ngayon, may bago siyang YouTube channel ang 'Mamang and Malia' at balak na ipa-shutdown na lang ang channel na PokLee

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal si Pokwang na nagpadala ng mensahe sa kaibigang si Ogie Diaz. Ito ay tungkol sa YouTube channel niyang PokLee na hindi na raw niya makuha sa dating partner na si Lee O'Brian.

Pokwang, nanghihinayang sa PokLee YouTube: "Ayaw namang ibigay sa amin ng anak niya"
Pokwang (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na sinubukan umano ni Pokwang na daanin sa pakiusap na makuha ang password at iba pang detalye ng channel subalit siya'y nabigo.

Read also

Dennis Padilla, pinadalhan umano ng pagkain ng kanyang mga anak noong Father's day

"'Nung Monday tumawag sa akin si Pokwang. Iyak nang iyak. E ayaw daw ibigay ni Lee O'Brian 'yung mga detalye ng Youtube at Facebook, Instagram ng PokLee. 'Yung password, yung detalye. Sabi ni mareng Pokwang, from Day 1 wala siyang kaalam-alam doon. At syempre, from Day 1 din, wala syang nare-receive. Mula noon wala naman siyang nare-receive. 'Di nga siya techy," ani Ogie D.

Mahigit kalahating milyon na umano ang subscribers ng naturang YouTube channel kaya naman ganoon na lamang ang panghihinayang ni Pokwang.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Hi Mare. Thank you so much sa tulong. Sensya na maga ang mata ko, maghapon akong iyak nang iyak. nanghihinayang kasi ako sa PokLee Youtube namin. E ayaw naman i-surrender nung isa. Ayaw nmang ibigay sa amin ng anak niya. So we decided na mag-start na naman ako from the top. Mag-iipon na naman ako ng followers na pinagpaguran ko doon sa ming Youtube channel na PokLee. So papa-shut down ko nalang kaysa naman pakinabangan ng kung sino-sino," ang bahagi ng video message ni Pokwang.

Read also

Allan K, sa nagsasabing traydor umano siya sa EB: "Nilalagyan ng iba ng meaning"

Sa ngayon, abala rin si Pokwang sa kanilang bagong YouTube channel, ang 'Mamang and Malia'

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Pokwang o Marietta Subong ay isa sa kilalang komedyante sa Pilipinas. Bukod dito, labis siyang hinahangaan dahil sa kanyang cooking skills. Katunayan, mayroon na siyang sariling cooking show ang Kusina ni Mamang kung saan old style na pagluluto ang kanyang ipinakikita kaya naman marami ang naaaliw na makita muli ang tradisyonal na pamamaraan ng pagluluto.

Sa naging panayam sa kanya ni Karen Davila, hindi naiwasang maglabas ng saloobin si Pokwang sa mga umano'y bashers niya na kapwa babae pa naman niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica