Joey de Leon: "Hindi masamang magsaya kung tama ang dahilan"

Joey de Leon: "Hindi masamang magsaya kung tama ang dahilan"

- Nagpost si Joey de Leon ng isang makahulugang mensahe tungkol sa pagsasaya

- Sa kanyang Instagram post, sinabi niyang walang masamang magsaya kung tama ang dahilan

- Hindi din daw masamang magbunyi kung walang nilalamangan at ninanakawan

- Ito ang kanyang pahayag kasunod ng nauna niyang post tungkol sa aniya'y renewal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling nag-post si Joey de Leon ng isang makahulugang mensahe. Bahagi ng kanyang mensahe ay hindi din daw masamang magbunyi kung walang nilalamangan at ninanakawan.

Joey de Leon: "Hindi masamang magsaya kung tama ang dahilan"
Joey de Leon: "Hindi masamang magsaya kung tama ang dahilan" (@angpoetnyo)
Source: Instagram
Hindi masamang magsaya kung tama ang dahilan. Hindi masamang magbunyi kung wala kang nilamangan…at ninakawan!—-crEATor

Matatandaang naglabas din siya ng pahayag kaugnay sa renewal kamakailan. Kasunod ito ng paglabas ng balitang matagumpay na nakapag-renew ng trademark ang Tape para sa Eat Bulaga pati ang logo nito.

Read also

Zeinab, ipinakita ang mga bagong vlogging equipment na Php1M umano ang halaga

Marami pa rin ang naghayag ng kanilang suporta sa iconic trio at sa kanilang show na E.A.T.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa puso at isip namin, kayo ang EAT BULAGA , hindi na yon mabubura ng kahit SINO. Pang habang buhay na , MABUHAY TVJ Forever
Kahit another 44 years ang abutin, naka ukit na sa pusong pinoy TVJ is Eat Bulaga
Don't worry master henyo. Truth will prevail. Babalik sainyo ang nararapat.

Ang Eat Bulaga ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.

Read also

Ion Perez nagbahagi ng cryptic post: "Gusto ako nyan kaya sya ganyan"

Para kay Mayor Seth "Bullet" Jalosjos, hindi niya maituturing na threat ang TVJ sa EB na umiere sa GMA-7. Aniya, malaki ang respeto nila kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. Dagdag pa niya, hindi nila layunin na makipagkumpitensiya at aniya ay hindi nila matatalo ang TVJ. Gayunpaman, humiling siya na sana ay mabigyan ng pagkakataon ang mga bagong artists na kanilang nilagay sa show.

Naibahagi ni Mayor Jalosjos na may mga napili sana silang mga artist bilang bagong host sa Eat Bulaga. Gayunpaman, aniya ay kinalaunan ay umatras ang kanilang mga management dahil umano sa pag-pressure. Tumanggi naman ito na magbigay ng pangalan kung sino ang nagpepressure sa mga artista. Gayunpaman, aniya ay gusto lamang nilang mabigyan ng pagkakataon ang mga bagong artista.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate