Skusta Clee aminadong hindi perpektong karelasyon pero kaya raw magpaka-tatay
- Pumalag si Skusta Clee o Daryl Ruiz sa komento sa kanya na wala siyang kwentang ama
- Aminado daw siyang hindi siya perpekto pagdating sa pagiging isang karelasyon pero aniya ay kayang-kaya niya magpaka-tatay
- Aniya, hindi lang daw siya nabibigyan ng pagkkakataon dahil ayaw lang daw siya pagbigyan
- Sa kabila ng kanyang pangungulila sa anak, sinabi ng rapper na nainiwala siyang darating din ang tamang oras
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ayon kay Skusta Clee ay aminado siyang hindi siya perpektong partner. Gayunpaman, pinalagan niya ang mga komentong wala siyang kwentang ama.
Aniya, hindi lang daw siya nabibigyan ng pagkkakataon dahil ayaw lang daw siya pagbigyan. Gayunpaman, kayang-kaya daw niya magpaka-tatay. Sa kabila ng kanyang pangungulila sa anak, sinabi ng rapper na nainiwala siyang darating din ang tamang oras.
“Wala kang kwentang tatay”
Try nyo ibigay. Hindi ako perfect na ka relasyon I know matagal na! Pero 100% na kayang kaya kong maging tatay sa anak ko. Ayaw lang kasi alam ko pano maging tatay. Pero ays lang naniniwala ako sa oras.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ay isang Pinoy rapper, singer-songwriter, record producer, at member ng hip-hop group na Ex Battalion o Ex-B na sumikat sa kanilang hit single na "Hayaan Mo Sila." Kabilang sa pinasikat na kanta ni Skusta Clee ay "Zebbiana", "Pauwi Nako", at "Lagi".
Ayon kay Zeinab Harake si Skusta Clee ang sinisisi niya bilang pinagmulan ng gulong kinasasangkutan niya. Inamin niya ang akusasyong sinira umano niya ang studio ni Skusta Clee na ginagamit nila sa recording. Ani Zeinab, pera naman niya ang ginamit niya doon at naglabas pa ito ng notebook kung saan nakalista ang mga ginastos niya. Maging sa mga personal na gamit umano ng dating partner niya at mga pagpapaayos ng sasakyan niya ay si Zeinab ang gumastos.
Sinagot ni Skusta Clee sa kanyang live sa Instagram ang ilang mga katanungan ng mga netizens. Aminado si Skusta na may nagawa talaga siyang mali kaya naiintindihan niya umano ang desisyon ni Zeinab na huwag ipakita sa kanya ang anak nila - Sobrang bilib naman daw siya sa pagiging nanay ni Zeinab sa anak nilang si Bia na aniya ay sobrang na-miss niya na - Humingi din siya ng tawad kay Zeinab sa naturang video at sinabi niyang hindi naman siya perpektong tao.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh