KC Concepcion, inalala ang pagkakataong naiyak si Moira nang una silang magkita

KC Concepcion, inalala ang pagkakataong naiyak si Moira nang una silang magkita

- Naibahagi ni KC Concpcion ang umano'y unang pagkikita nila ni Moira Dela Torre

- Aminado kasi si Moira na isa siya sa mga humahanga sa kwento ni KC at ng ama nitong si Gabby Concepcion

- Ayon daw kay Moira, inspirasyon niya ang muling pagkikita at nadadalas umanong bonding ni KC sa ama

- Aniya, kung nangyari umano ito kina Gabby at KC, pag-asa ang hatid nito sa iba lalo na ang mga naghahanap sa kanilang mga magulang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni KC Concepcion ang emosyonal na pagkikita nila ni Moira Dela Torre.

KC Concepcion, inalala ang pagkakataong naiyak si Moira nang una silang magkita
KC Concepcion (@kristinaconcepcion)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI isa umano sa mga naikwento ni KC na sa YouTube channel ng ama niyang si Gabby Concepcion.

"Moira and I saw each other backstage of Araneta Colisem. And then, talagang niyakap niya ako and then si Darla Soler pa nga caught her on camera na umiiyak and she was hugging me."

Read also

Gabby, ikinuwento ang unang pagtawag sa kanya ni KC: "One day, hahanapin ako nito"

"Parang na-amaze ako na bakit siya umiiyak. 'Yung kasama niya while hugging me said, Moira loves you so much She had parang magazine articles in her room or her wall. Parang daw ever since we met, and we told our story, naka-relate si Moira. She was so touched sa story natin na if it could happned to us, It could happened to them."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon pa kay Moira pag-asa ang hatid ng muling pagkikita at pagsasama nina KC at Gabby

"Sabi niya you have been my big sister all this time, you never knew but you know I would always follow that story of yours,"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel ni Gabby Concepcion:

Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite and humanitarian. Pinasok din niya ang mundo ng showbiz at bumida siya sa mga pelikulang For The First Time at When I Met U, gayundin sa mga television series tulad ng Lovers in Paris, Huwag Ka Lang Mawawala at Ikaw Lamang. Siya ang anak ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Read also

La Oropesa, natanong kung miyembro siya ng LGBT; aminadong nagagandahan kay Gina Alajar

Kamakailan, sa interview ni Ogie Diaz kay Megastar, nasabi nitong napakabuti ng kanyang anak subalit hindi lamang umano nagkakatugma ang kanilang mga ugali.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica