Cristy, hanga kay Andrea Brillantes: "Itong batang 'to, napaka-truthful"

Cristy, hanga kay Andrea Brillantes: "Itong batang 'to, napaka-truthful"

- Hanga umano si Cristy Fermin sa katapatan ni Andrea Brillantes tungkol sa hiwalayan nila ni Ricci Rivero

- Matatandaang nabanggit ni Andrea sa isang interview na hindi pa umano siya nakaka-recover sa breakup nila ni Ricci

- Dahil dito, nasabi ni Cristy na tapat si Andrea at hindi mayabang gayung inamin nito ang tunay na nararamdaman

- Kamakailan, kinumpirma mismo ni Ricci Rivero ang pagtatapos umano ng relasyon nila ni Andrea sa pamamagitan ng isang post

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bumilib umano si Cristy Fermin sa katapatan ni Andrea Brillantes na tungkol sa breakup nila ng basketbolista at model na si Ricci Rivero.

Cristy, hanga kay Andrea Brillantes: "Itong batang 'to, napaka-truthful"
Andrea Brillantes and Ricci Rivero (@blythe)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na hanga si Cristy kay Andrea na inaming hindi pa ito nakaka-move on sa pangyayari.

"Alam mo, itong batang 'to, napaka-truthful. Ang gand ng kanyang sinabi na, 'di pa ako masyadong nakakabangon at nakaka-recover kasi nagmahal ako."

Read also

Bea Alonzo at Lolit Solis, nagkita at nagkapatawaran na

"Kung mayabang itong Blythe si Andrea Brillantes, Okay na ako. Makaka-move on na ako. Hindi mayabang 'yung bata. Inaamin niya na siya'y isang babae lamang na natutong magmahal at nakaramdam din na minahal. Ang sabi niya hindi pa raw siya nakaka-recover, pero ang sabi ginawa lang daw trophy girlfriend?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

nasagap din umano nina Cristy ang napapabalitang naging front lang talaga ni Ricci si Andrea.

"Parang trophy girlfriend, parang nagamit," ani Cristy dahil sa hindi raw talaga si Andrea ang karelasyon ni Ricci.

"Front lang daw po si Andrea kasi laging nasusulat, nakikwento na ang jowa raw ni Ricci ay beki."

Ayon pa kina Cristy, hindi naman umano bago sa mga basketbolista ang mga ganitong isyu gayung madalas na napapabalitang mayroong mga gay benefactor.

Matatandaang kamakailan lamang ay si Ricci mismo ang nagkumpirma ng hiwalayan nila ni Andrea habang ang aktres ay hindi na umano nagbigay ng iba pang detalye ukol dito kundi ang kanyang nararamdaman lang sa nangyari.

Read also

Rendon Labador sa mga lalaking may mga asawang talak nang talak: "Iwan mo na agad"

Si Andrea Brillantes is a Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Kamakailan lang, gumulantang sa publiko ang hiwalayan nina Andrea at ang dati nitong karelasyon na basketball player na si Ricci Rivero. Matatandaang naging agaw-eksena pa ang pagtatapat ni Ricci noon kay Andrea na kanyang isinagawa matapos itong manood ng kanyang game.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel