Cristy Fermin: "Front lang daw po si Andrea... Ang jowa raw ni Ricci ay beki"

Cristy Fermin: "Front lang daw po si Andrea... Ang jowa raw ni Ricci ay beki"

- Nagbigay komento si Cristy Fermin sa hiwalayan nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero

- Aniya, kahanga-hanga umano ang katapangang pinakita ni Andrea sa pag-aming hindi pa umano siya nakaka-recover sa kanilang breakup

- Sa isang interview, inamin kasi ni Andrea na hindi pa ito nakaka-move on sa hiwalayan

- Gayunpaman, napabalita rin umanong naging front lang si Andrea dahil sa napapabalita umanong beki ang totoong karelasyon ni Ricci ayon sa source nina Cristy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa tinalakay sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! ay ang tungkol sa hiwalayan nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero.

Cristy Fermin: "Front lang daw po si Andrea... Ang jowa raw ni Ricci ay beki"
Andrea Brillantes and Ricci Rivero (@blythe)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na hanga umano si Cristy sa ipinakikitang katapangan ni Andrea sa nasabing sitwasyon.

"Alam mo, itong batang 'to, napaka-truthful. Ang gand ng kanyang sinabi na, 'di pa ako masyadong nakakabangon at nakaka-recover kasi nagmahal ako."

Read also

Gabby, ikinuwento ang unang pagtawag sa kanya ni KC: "One day, hahanapin ako nito"

"Kung mayabang itong Blythe si Andrea Brillantes, Okay na ako. Makaka-move on na ako. Hindi mayabang 'yung bata. Inaamin niya na siya'y isang babae lamang na natutong magmahal at nakaramdam din na minahal. Ang sabi niya hindi pa raw siya nakaka-recover, pero ang sabi ginawa lang daw trophy girlfriend?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, nasagap din umano nina Cristy ang napapabalitang naging front lang talaga ni Ricci si Andrea.

"Parang trophy girlfriend, parang nagamit," ani Cristy dahil sa hindi raw talaga si Andrea ang karelasyon ni Ricci.

"Front lang daw po si Andrea kasi laging nasusulat, nakikwento na ang jowa raw ni Ricci ay beki."

Ayon pa kina Cristy, hindi naman umano bago sa mga basketbolista ang mga ganitong isyu gayung madalas na napapabalitang mayroong mga gay benefactor.

Matatandaang kamakailan lamang ay si Ricci mismo ang nagkumpirma ng hiwalayan nila ni Andrea habang ang aktres ay hindi na umano nagbigay ng iba pang detalye ukol dito kundi ang kanyang nararamdaman lang sa nangyari.

Read also

La Oropesa, natanong kung miyembro siya ng LGBT; aminadong nagagandahan kay Gina Alajar

Si Andrea Brillantes is a Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Kamakailan lang, gumulantang sa publiko ang hiwalayan nina Andrea at ang dati nitong karelasyon na basketball player na si Ricci Rivero. Matatandaang naging agaw-eksena pa ang pagtatapat ni Ricci noon kay Andrea na kanyang isinagawa matapos itong manood ng kanyang game.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel