Melai Cantiveros, nagpasalamat na sa PBB sila nagkakilala ni Jason Francisco

Melai Cantiveros, nagpasalamat na sa PBB sila nagkakilala ni Jason Francisco

- Kinaaliwan si Melai Cantiveros sa kanyang hirit kung saan sinabi niyang nagpapasalamat siyang sa PBB sila nagkakilala ni Jason Francisco

- Aniya, kung sa kanto lang daw sila nagkita ni Jason ay baka hindi sila nagkagustuhan

- Tawang-tawa naman ang kanyang co-host na si Robi Domingo sa hirit na ito ni Melai

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matatandaang nagkasama sa Pinoy Big Brother: Double Up kung saan si Melai ang tinanghal na big winner

Kinaaliwan si Melai Cantiveros sa kanyang biro kaugnay sa kanila ng asawa niyang si Jason Francisco. Aniya, nagpapasalamat siyang sa Pinoy Big Brother sila unang nagkita ni Jason kasi kung sa kanto lang daw ay baka hindi sila nagkagustuhan.

Melai Cantiveros, nagpasalamat na sa PBB sila nagkakilala ni Jason Francisco
Melai Cantiveros, nagpasalamat na sa PBB sila nagkakilala ni Jason Francisco (@mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

Hindi napigilang matawa ni Robi sa hirit na ito ni Melai habang nasa 'It's Your Lucky Day' sila kasama si Jennica Garcia.

Read also

Zeinab Harake, nakikitang kasal na sila ni Bobby Ray Parks sa susunod na tatlong taon

Matatandaang inabangan ng manonood ng PBB ang namuong pagtitinginan nina Jason at Melai sa loob ng bahay. Kinalaunan ay dumami ang sumuporta sa tambalan nila na tinawag bilang 'MelaSon.'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagkasama sila sa Pinoy Big Brother: Double Up kung saan si Melai ang tinanghal na big winner.

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jason Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at hambambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Rey PJ kay Carla: "Honestly kasi hindi nagtapat sa akin ang aking anak"

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate