Cristy kay si Ryzza Mae: "Ang ganda po ng kanyang prinsipyo tapos ganyan, mamaliitin"

Cristy kay si Ryzza Mae: "Ang ganda po ng kanyang prinsipyo tapos ganyan, mamaliitin"

- Dinipensahan ni Cristy Fermin si Ryzza Mae Dizon na isa umano sa aalisin sa 'Eat Bulaga'

- Kung hindi namaalam ang TVJ sa TAPE Inc, isa umano si Ryzza sa sinasabing papalitan sa show dahil hindi raw umano gusto ng mga producer

- Matatandaang isa si Ryzza sa mga nagbigay ng saya sa 'Eat Bulaga' buhat nang manalo siya sa Little Miss Philippines

- Ani Cristy, sana'y pinahahalagahan ng mga producer ang mga taong nag-aangat ng programang kanilang hinahawakan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa si Cristy Fermin sa umano'y dumipensa sa dating Eat Bulaga host na si Ryzza Mae Dizon.

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil sa panayam niya kay Ryzza kung saan naikwento nitong labis niyang dinamdam at iniyakan ang umano'y komento sa kanya ng pamunuan ng TAPE Inc., ang producer ng Eat Bulaga.

Read also

Joey De Leon: "Kahit ano pang pangalan niyan, sana'y tangkilikin niyo pa rin kami"

Cristy kay si Ryzza Mae: "Ang ganda po ng kanyang prinsipyo tapos ganyan, mamaliitin"
Cristy kay si Ryzza Mae: "Ang ganda po ng kanyang prinsipyo tapos ganyan, mamaliitin"
Source: Facebook

"Mula po noong nagasalita si Ryzza Mae sa CFM 'to na, iniyakan niyang masyado 'nung malaman niyang ayaw na ayaw pala sa kanya ng pamilya Jalosjos. Alam mo hindi lang talaga magandang pakinggan 'no pero yung salitang pangit po ay ginamit. Napakapersonal, napakapisikal, napakamapanghusga. Iniyakan niya ng todo 'yun," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Tapos po, si Ryzza Mae, gustong tanggalin ng mga Jalosjos at palitan daw nung bagong nanalo, si Carren. Na ayon daw po sa kanilang press release, dapat daw ay nasa kanila si Carren. Nagre-rehearse na raw po para 'dun sa una nilang episode. Tapos bigla raw pong umurong. Hindi po, pinabulaanan po ng pamilya 'yun. Wala po si Carren sa rehearsal. Hindi po totoong umurong si Carren," dagdag pa niya.

Ayon pa kay Cristy, sana'y maisip din ng TAPE Inc. ang mga bagay na nagawa ni Ryzza sa programa na naging daan para magkaroon pa ito ng sariling show noon.

Read also

Joey De Leon, inilalaban umano ang 'Eat Bulaga': "Malapit na ang paghuhukom"

"Pahalagahan naman natin 'yung mga taong nag-angat ng inyong programa... Ang ganda-ganda po ng kanyang prinsipyo, makatulong sa pamilya. Nakatulong sa programa. Tapos ganyan, mamaliitin"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel niya na Showbiz Now Na!

Ryzza Mae de Guzman Dizon ay isang TV personality na sumikat matapos magwagi sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga noong 2012. Tinawag siyang "Aling Maliit" dahil tila nasa wastong edad na ito kung sumagot at mag-isip. Matatandaang nagkaroon din siya ng sarili niyang progama sa GMA 7, ang The Ryzza Mae Dizon show.

Samantala, ang Eat Bulaga, kung saan nagmula si Ryzza, ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.

Read also

Joey De Leon sa GMA: "Oy, seven! Kayo ba tumawag na oy, okay ba kayo?"

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel