Cristy, pinabulaanan ang napabalitaang kasal nina Maine at Arjo ang unang EP ng TVJ sa TV5
- Pinabulaanan ni Cristy Fermin ang napabalitang kasal umano nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang unang mapapanood sa programa ng TVJ sa TV5
- Aniya, walang sinabi na ganoong statement si Joey De Leon na ang sinabi lang ay ninong silang TVJ nina Maine
- Sa tina-target umanong date ng unang araw ng programa ng TVJ sa TV5, maaga pa umano ito sa alam nilang petsa ng kasal nina Maine
- Isa si Maine sa makakasama pa rin ng TVJ sa bagong show nila sa TV5
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nilinaw ni Cristy Fermin na wala umanong katotohanan ang napapabalita tungkol sa pilot episode ng programang pangungunahan ng Tito, Vic at Joey sa TV5.
Nalaman ng KAMI na ito umano ay ang umugong na balita na ang kasalan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang magiging unang episode ng nasabing programa.
Ito raw umano ay nasabi ni Joey De Leon sa isa sa kanya umanong mga interview.
"Wala pong sinabing ganun si Tito Joey. Ang sabi po niya ninong kaming tatlo nina Vic at Tito."
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ayon pa kay Cristy, sa pagkakaalam nila hindi first week ng July ikakasal sina Maine at Arjo.
Matatandaang sa isang interview kay Tito Sotto, sinabi nitong posibleng unang linggo ng Hulyo sila mapapanood sa TV5.
Masyado pa umano itong maaga sa sinasabing kasalan nina Arjo at Maine na mangyayari rin umano sa Hulyo.
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host.
Sa kabila ng pamamaalam ng mga orihinal na host ng programa sa kanilang producer, patuloy na napapanood ang Eat Bulaga sa GMA 7 kasama ang mga bagong host na kinabibilangan nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at ilan pang mga GMA Sparkle talents.
Nito lamang Hunyo 10, naging guest host nila si dating Manila City Mayor Isko Moreno. Natanong ito kung araw-araw na ba siyang mapapanood sa programa, sinagot niya ito ng "Kailangan bang i-memorize pa 'yan?"
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh