Vanessa Raval, handa raw patawarin ang ama mag-sorry lang ito

Vanessa Raval, handa raw patawarin ang ama mag-sorry lang ito

- Handa daw na magpatawad si Vanessa Raval sa ama niyang si Jeric Raval pag humingi ito ng dispensa sa kanya

- Aniya, hiling niyang magkapatawaran sila bago ito tumanda at magkaroon sila ng peace of mind

- Pag tumanda daw ito ay walang mag-aalaga sa ama niya at handa siyang alagaan ito dahil mahal pa rin daw niya ang tatay niya

- Kaugnay ito sa balitang umano ay itinanggi ni Jeric Raval na anak niya si Vanessa at ang pinsan umano nito ang ama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matapos maglabas ng sama ng loob ni Vanessa Raval, handa daw siyang patawarin ang kanyang amang si Jeric Raval. Hiling niyang magkapatawaran sila bago man lang ito tumanda.

Vanessa Raval, handa raw patawarin ang ama mag-sorry lang ito
Vanessa Raval, handa raw patawarin ang ama mag-sorry lang ito (Vanessa Raval)
Source: Facebook
Sana tay kahit mag-sorry ka lang tatanggapin ko yun kasi mahal pa rin kita, tatay pa rin kita. Sana bago ka tumanda magkapatawaran tayong lahat, magkaroon tayo ng peace of mind. Kasi pag tanda mo, walang nag-alaga sa;yo aalagaan pa rin kita kasi mahal kita tatay kita.

Read also

Joey De Leon, inilalaban umano ang 'Eat Bulaga': "Malapit na ang paghuhukom"

Kaugnay ito sa balitang umano ay itinanggi ni Jeric Raval na anak niya si Vanessa at ang pinsan umano nito ang ama.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vanessa Raval ay nakilala bilang anak ng dating action star na si Jeric Raval. Kilala din siya sa kanyang mga social media content at sa kanyang pagiging prangka sa mga inilalabas niyang komento at reaksiyon. Mayroon na ring daang libong followers ang kanyang iba't-ibang social media account. Kapatid niya ang maituturing na isa sa pinaka-kontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan, si AJ Raval.

Nagsalita si Vanessa kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na post sa Facebook. Muli niyang pinabulaanan na si Skusta Clee ang kanyang tinutukoy sa kanyang post. Minabuti din niyang huwag nang pangalanan ang rapper dahil maari umano siyang makasuhan. Sinabi niyang hindi porke't sinabi niyang pangit at babaerong rapper eh si Skusta Clee agad ang tinutukoy niya.

Matatandaang inalmahan ni Vanessa ang mga nangbabatikos sa kanya dahil sa pagtanggi niyang sabihin kung sino ang rapper na kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, noong nag-name drop siya ay marami siyang kinaharap ngunit wala namang tumulong sa kanya. Dagdag pa niya, hindi madali ang magka-record at masisira ang buhay niya kaya mas pinili niyang huwag nang magbanggit ng pangalan. Matapos kasi ang pag-trending ng kanyang post, marami ang nag-udyok sa kanya kabilang na si Skusta Clee na pangalanan kung sino ang ka-chat niya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate