Allan K, pinabulaanan ang isyung hindi pinapasok ang TAPE exec sa dressing room
- Sinagot ni Allan K ang isyu na hindi umano pinapapapasok ang TAPE executives
- Sa panayam ni MJ Marfori kina Allan K, Ryan Agoncillo at Ryzza Mae Dizon, pinabulaanang totoo ang isyung ito
- Aniya, hindi niya maintindihan dahil free naman daw silang lumabas-pasok sa mga dressing room nila
- Aniya, wala siyang idea kung kailan nangyari iyon pero aniya ay baka iyon yung pagkakataong nagdadasal sila
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinabulaanan ni Allan K ang balitang hindi umano pinapapasok ang TAPE, Inc. Executive sa dressing room nilang mga hosts kagaya sa naunang napabalita. Sa panayam ni MJ Marfori kina Allan K, Ryan Agoncillo at Ryzza Mae Dizon, pinabulaanan niya ang isyung ito.
Aniya, hindi niya maintindihan dahil free naman daw silang lumabas-pasok sa mga dressing room nila. Aniya, wala siyang idea kung kailan nangyari iyon pero aniya ay baka iyon yung pagkakataong nagdadasal sila.
Paano bang hindi pinapapasok? Hindi ko maintindihan e, they're free naman to.. pasok, labas, pasok sa dressing room namin. Maybe that instance na naka-lock, siguro yun yung nagpe-pray kami. I dunno. I have no idea kung kailan hindi pinapapasok.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Maging si Ryan ay nagsabing para sa kanya ay free naman daw na makapasok ang mga executive ng TAPE sa kanilang mga dressing room.
I have no idea about who's getting locked out or not but as far as I know, lagusan ang aming makeup room.
Ang Eat Bulaga ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.
Naibahagi ni Mayor Seth 'Bullet' Jalosjos na may mga napili sana silang mga artist bilang bagong host sa Eat Bulaga. Gayunpaman, aniya ay kinalaunan ay umatras ang kanilang mga management dahil umano sa pag-pressure. Tumanggi naman ito na magbigay ng pangalan kung sino ang nagpepressure sa mga artista. Gayunpaman, aniya ay gusto lamang nilang mabigyan ng pagkakataon ang mga bagong artista.
Ayon kay Ryzza Mae Dizon, wala siyang kaalam-alam na balak daw pala siyang tanggalin sa Eat Bulaga. Saka lamang daw niya nalaman ang tungkol dito nang mabanggit ito ni dating Sen. Tito Sotto. Nagpapasalamat siya dahil pinaglaban siya ng TVJ at hindi siya pinabayaan. Nabanggit niya rin na dumating sa punto na isang beses sa isang linggo lang daw siya pinapapasok sa naturang noontime show.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh