Ryzza Mae Dizon, pinasalamatan ang TVJ dahil pinaglaban siya

Ryzza Mae Dizon, pinasalamatan ang TVJ dahil pinaglaban siya

- Ayon kay Ryzza Mae Dizon, wala siyang kaalam-alam na balak daw pala siyang tanggalin sa 'Eat Bulaga'

- Saka lamang daw niya nalaman ang tungkol dito nang mabanggit ito ni dating Sen. Tito Sotto

- Nagpapasalamat siya dahil pinaglaban siya ng TVJ at hindi siya pinabayaan

- Nabanggit niya rin na dumating sa punto na isang beses sa isang linggo lang daw siya pinapapasok

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakapanayam si Ryzza Mae Dizon at Jose Manalo sa programa ni Cristy Fermin. Dito ay nabanggit ni Ryzza na dumating umano sa puntong isang beses sa isang linggo lang daw siya pinapapasok.

Ryzza Mae Dizon, pinasalamatan ang TVJ dahil pinaglaban siya
Ryzza Mae Dizon, pinasalamatan ang TVJ dahil pinaglaban siya (@ryzzamaedizon_)
Source: Instagram

Gayunpaman, aniya, hindi siya nagrereklamo dahil thankful pa rin daw siya na kahit papaano ay may trabaho pa rin siya. Aniya, hindi niya alam ang plano tungkol sa pagtanggal sa kanya.

Read also

Allan K, pinabulaanan ang isyung hindi pinapasok ang TAPE exec sa dressing room

Saka lamang daw niya nalaman ang tungkol dito nang mabanggit ito ni dating Sen. Tito Sotto.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ryzza Mae de Guzman Dizon isang Pinay teen actress na sumikat noong taong 2012 matapos siyang tanghaling panalo sa Little Miss Philippines sa noontime show na Eat Bulaga! Siya ay nabigyan ng sarili niyang talk show matapos ang kanyang pagkapanalo, ang "The Ryzza Mae Show".

Muling pinanood ni Ryzza Mae kasama ang kanyang mama ang ilang videos ng dating child star. Kabilang sa pinanood nila ang pagkapanalo ni Ryzza Mae sa Little Miss Philippines sa Eat Bulaga. Hindi napigilang maging emosyonal ng kanyang ina at maging si Ryzza Mae habang binabalikan ang tagpong nagbago sa kanilang buhay. Pinanood din nila ang ilan sa mga viral na video na kuha sa talk show na The Ryzza Mae Show.

Masayang ibinahagi ni Ryzza Mae ang kanyang house update sa pinapagawa niyang bahay. Kung sa mga naunang vlog episode niya ay inisa-isa niya ang mga bahagi ng kanilang bahay na unti-unting naayos, sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang kabuuan ng natapos na sa kanilang bahay. Aniya, 90 porsyento na ng kanyang bahay ang natapos kaya isa-isa niyang pinasalamatan ang mga taong tumulong upang magawa ang kanyang bahay. Marami sa mga netizens ang natuwa at na-inspire kay Ryzza dahil sa murang edad nito ay nakapagpatayo siya ng bahay para sa kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel