Annabelle Rama, kinaaliwan sa kanyang pag-voice over sa makeup tutorial ng apo niya
- Ibinahagi ni Lorin Gutierrez Bektaz ang video ng kanyang makeup tutorial sa TikTok
- Pinagbigyan niya ang mga humiling na ang lola niyang si Annabelle Rama ang mag voice over sa kanyang video
- Marami ang naaliw lalo at mas malambing daw si Annabelle pagdating sa pakikipag-usap sa kanyang apo
- Umabot sa mahigit 3 million views ang naturang TikTok video ni Lorin matapos lamang ang dalawang araw
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Kinaaliwan ang pag-voice over ni Annabelle Rama sa makeup tutorial ng apo niyang si Lorin Bektaz. Marami ang nakapansin na mas malambing daw si Annabelle pagdating sa pakikipag-usap sa kanyang apo.
Agad na nag-viral ang TikTok video na ito na Lorin na matapos ang dalawang araw ay umabot na sa 3.7 million ang views.
Ani Lorin, highly requested na ang kanyang lola ang mag-voice over sa kanyang makeup tutorial. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
Halatang mabait Ang boses, super lambing lola
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ms Anabelle is known for being so matapang, but I feel that she's a sweet lola
Parang best makeup voiceover ‘to among every other vids of the same kind. Love the gulong-gulo, litong-lito vibe hahaha, so genuine, so lola!
Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahy ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang My Monster Mom kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.
Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.
Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh