Rendon, pinagtanggol sina Moira at Zack: "Kayong netizens, please... Tumalino naman kayo"

Rendon, pinagtanggol sina Moira at Zack: "Kayong netizens, please... Tumalino naman kayo"

- Nagawang depensahan ni Rendon Labador sina Moira Dela Torre at Zack Tabudlo sa mga bashers nito

- Si Moira sa mga taong agad na nahusgahan ang kanyang pagkataon dahil sa mga 'di umano'y akusasyon sa kanya kamakailan

- Habang si Zack naman ay nadadawit parin ang pangalan sa hiwalayan nina Moira at Jason Hernandez

- Nakiusap si Rendon na maging mapanuri ang netizens at huwag na lamang basta mambash nang wala umanong basehan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Rendon Labador ang mga umano'y bashers nina Moira Dela Torre gayundin ni Zack Tabudlo na naging kontrobersyal kamakailan.

Rendon, pinagtanggol sina Moira at Zack: "Kayong netizens, please... Tumalino naman kayo"
Zack Tabudlo and Moira Dela Torre (Zack Tabudlo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na may kaugnayan umano ito sa mga pasabog na akusasyon 'di umano kay Moira tungkol pa rin sa hiwalayan nito sa mister na si Jason Hernandez.

Read also

Rendon Labador kay Zack Tabudlo: "Punta ka sakin, palalakasin ko mindset mo"

Ani Rendon, hindi siya papayag na ganoon na lamang ang pambabatikos kay Moira na dapat ding tingnan at pakinggan ang panig ng kanyang kwento.

"Tingnan niyo 'yung side ni Moira. Aralin niyo 'yung side ng babae. Mga Tol, sa lahat ng namba-bash. Sa lahat ng mga nagkakampi-kampihan 'yang mga lalake. Hindi niyo ba naisip, na babae pa 'rin 'yan. May emosyon 'yan. Tao 'yan. Bakit niyo pinagkakampi-kampihan. Ako pagtulungan ninyo. 'Wag 'yung babae pare."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ang mga babae, minamahal 'yan. Anong ginagawa ninyo? Maga lalake pa mandin kayo. Dapat tayo 'yung nagki-cater sa kanila. Bakit ngayon ganyan 'yung ginagawa ninyo? Napakahina niyo naman. Akala niyo ba dahil sa ginagawa niyong pagtutulong para ma-bash si Moira, ay nagpapakita ng pagkalalake niyo. Representasyon ba 'yan na malakas kayo? Sigurado ba kayo?"

Read also

Rendon Labador sa Jason-Moira issue: "Hindi okay sa'kin"

Tila hinamon pa niya ang publiko na siya na lamang umano ang i-bash ng mga ito.

"Lahat ng netizens na magagaling mag-bash, walang ginawa sa buhay kundi mag-chismis, mag-marites, ako i-bash niyo. 'Di ba kahit nagsama-sama kayong lahat hindi niyo naman ako kaya? 'Wag niyo i-bash si Zack, 'wag niyo i-bash si Moira. Ako i-bash ninyo. Ako ang tatanggap ng bala para sa kanilang lahat. Pero 'wag niyo silang idamay. Hindi lahat ng tao kasing lakas ko."

Pinaalalahanan pa niya umano ang mga netizens na maging mapanuri upang maiwasan ang labis na pamba-bash lalo na kung wala naman itong sapat at totoong basehan.

"Kayong mga netizens, please, tumalino naman kayo. Ilugar naman ninyo 'yung pamba-bash natin. Minsan okay e, pero 'pag sumobra na, masama na. Buhay na 'yung pwedeng mawala."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor at motivational speaker. Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Rendon nang hamunin siya ng one on one sa basketball ni Marc Pingris. Ito ay may kaugnayan sa komento ng social media influencer sa naging pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.

Read also

Cristy sa pamamaalam ng TVJ sa TAPE: "Iniyakan po ni Alden Richards itong senaryong ito"

Kamakailan, naging kontrobersyal ang umano'y komento ni Rendon sa kilala at respetadong aktor, komedyante at TV host na si Michael V. Isa si Ogie Diaz na nagbigay reaksyon sa naging pahayag ni Rendon kay Michael V. Maging ang tungkol din sa pagiging isang social media influencer at mainstream sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel