Rendon Labador kay Zack Tabudlo: "Punta ka sakin, palalakasin ko mindset mo"

Rendon Labador kay Zack Tabudlo: "Punta ka sakin, palalakasin ko mindset mo"

- May mensahe umano si Rendon Labador sa umano'y na link sa issue nina Jason Hernandez at Moira Dela Torre na si Zack Tabudlo

- Kamakailan kasi ay naglabas na rin ng pahayag si Zack kaugnay sa isyu at inaming na-depress sa nangyari

- Ani Rendon, mainam na pumunta umano si Zack sa kanya upang mapalakas daw nito ang mindset ng singer

- Pinayuhan din niya ito na huwag sanang sayangin ang buhay dahil lamang sa umano'y walang kwentang bagay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay komento si Rendon Labador sa umano'y isyu nina Jason Hernandez at Moira Dela Torre kamakailan.

Rendon Labador kay Zack Tabudlo: "Punta ka sakin, palalakasin ko mindset mo"
Zack Tabudlo (Zack Tabudlo FB)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na maging sa singer na si Zack Tabudlo ay nagbigay mensahe si Rendon at inimbita pa niya itong pumunta sa kanya.

Matatandaang si nadawit si Zack sa isyu nina Moira, na siyang naging sanhi para subukan niyang kitilin ang sarili niyang buhay.

Read also

Rendon Labador sa Jason-Moira issue: "Hindi okay sa'kin"

"Zack, kung nanonood ka man ngayon. 'Wag mong sayangin 'yung buhay mo sa walang kwentang bagay. Punta ka sakin, palalakasin ko mindset mo."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaugnay nito, nagbigay paalala rin si Rendon sa netizens na maging mapanuri sa mga nangyayari upang hindi na humantong sa pamba-bash ng taong tulad ni Zack na muntik nang 'di kayanin ang mga akusasyon.

"Lahat ng netizens na magagaling mag-bash, walang ginawa sa buhay kundi mag-chismis, mag-marites, ako i-bash niyo. 'Di ba kahit nagsama-sama kayong lahat hindi niyo naman ako kaya? 'Wag niyo i-bash si Zack, 'wag niyo i-bash si Moira. Ako i-bash ninyo. Ako ang tatanggap ng bala para sa kanilang lahat. Pero 'wag niyo silang idamay. Hindi lahat ng tao kasing lakas ko."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor at motivational speaker. Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Rendon nang hamunin siya ng one on one sa basketball ni Marc Pingris. Ito ay may kaugnayan sa komento ng social media influencer sa naging pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.

Read also

Cristy Fermin, naniniwalang mayroon umanong espiya sa Eat Bulaga

Kamakailan, naging kontrobersyal ang umano'y komento ni Rendon sa kilala at respetadong aktor, komedyante at TV host na si Michael V. Isa si Ogie Diaz na nagbigay reaksyon sa naging pahayag ni Rendon kay Michael V. Maging ang tungkol din sa pagiging isang social media influencer at mainstream sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel