Rendon Labador sa Jason-Moira issue: "Hindi okay sa'kin"

Rendon Labador sa Jason-Moira issue: "Hindi okay sa'kin"

- Nagbigay pahayag si Rendon Labador tungkol umano sa naging issue nina Jason Hernandez at Moira Dela Torre kamakailan

- Aniya, hindi ito okay sa kanya lalo na at muntik na umanong may mawalan ng buhay dahil sa naturang issue

- Ipinagtanggol din niya umano si Moira na hindi raw dapat na tila pinagtutulungan na ito

- Nakiusap din siya sa mga netizens na maging mapanuri at huwag basta umano mam-bash nang hindi kumpirmado ang totoong nangyari

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling nagbigay ng kanyang pahayag ang motivational speaker na si Rendon Labador ukol sa naging kontrobersiya sa pagitan nina Jason Haernandez at Moira Dela Torre.

Rendon Labador sa Jason-Moira issue: "Hindi okay sa'kin"
Rendon Labador (Rendon Labador FB)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na bukod sa pinagtanggol ni Rendon si Moira, nagbigay mensahe rin ito sa mga umano'y involved sa issue.

Read also

Rendon Labador kay Zack Tabudlo: "Punta ka sakin, palalakasin ko mindset mo"

"'Di okay sakin na may mawawalang buhay dahil dito. Kailangan natin 'tong i-voice out. Kailangan natin itong i-address ng tama. HIndi okay sa'kin na merong mawawalan ng buhay dahil lang dito."
"Tingnan niyo 'yung side ni Moira. Aralin niyo 'yung side ng babae. Mga Tol, sa lahat ng namba-bash. Sa lahat ng mga nagkakampi-kampihan 'yang mga lalake. Hindi niyo ba naisip, na babae pa 'rin 'yan. May emosyon 'yan. Tao 'yan. Bakit niyo pinagkakampi-kampihan. Ako pagtulungan ninyo. 'Wag 'yung babae pare."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ang mga babae, minamahal 'yan. Anong ginagawa ninyo? Maga lalake pa mandin kayo. Dapat tayo 'yung nagki-cater sa kanila. Bakit ngayon ganyan 'yung ginagawa ninyo? Napakahina niyo naman. Akala niyo ba dahil sa ginagawa niyong pagtutulong para ma-bash si Moira, ay nagpapakita ng pagkalalake niyo. Representasyon ba 'yan na malakas kayo? Sigurado ba kayo?"

Read also

Cristy Fermin, naniniwalang mayroon umanong espiya sa Eat Bulaga

Nagbigay mensahe rin si Rendon kay Jason na dapat hindi na raw isinisisi pa sa babae ang umano'y naging pagkakamali.

"At ikaw naman Jason, bakit ganyan ang mindset mo? 'Yung pagkakamali mo, 'yung Katangahan mo, isinisi mo pa sa babae"
"Kung gagawa ka ng mali, choice mo 'yan. Kung sakali mang totoo 'yung ibinibintang mo 'dun sa babae, ibig sabihin hindi ka marunong magmahal. Nagloko ka Jason, choice mo 'yan. Never na kasalanan ng partner mo 'yan."
"Kung sakali mang totoo ang binibitang mo kay Moira, Siyempre hinahanap din ng tao kung saan siya liligaya e. Bakit hindi mo napu-fulfill bilang lalake. Siyempre may choice din siyang maging masaya."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor at motivational speaker. Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Rendon nang hamunin siya ng one on one sa basketball ni Marc Pingris. Ito ay may kaugnayan sa komento ng social media influencer sa naging pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.

Read also

Cristy sa pahayag ng TAPE sa pamamaalam ng TVJ: "Tono ito ng mga tao na pikon"

Kamakailan, naging kontrobersyal ang umano'y komento ni Rendon sa kilala at respetadong aktor, komedyante at TV host na si Michael V. Isa si Ogie Diaz na nagbigay reaksyon sa naging pahayag ni Rendon kay Michael V. Maging ang tungkol din sa pagiging isang social media influencer at mainstream sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel