Cristy sa love life ni Liza Soberano: "May banyaga na raw na boyfriend si Liza"

Cristy sa love life ni Liza Soberano: "May banyaga na raw na boyfriend si Liza"

- Naibahagi ni Cristy Fermin ang nakarating sa kanyang impormasyon na may bagong boyfriend na umano si Liza Soberano

- Ito ay matapos umugong ng balitang hiwalay na di umano si Liza sa boyfriend nitong si Enrique Gil

- Ayon pa kay Cristy, isa umanong foreigner ang bagong nagpapatibok ng puso ng aktres

- Samantala, kamakailan naman ay lumutang ang picture ni Enrique na kasama umano si Liza matapos mapabalitang hiwalay na umano sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga naibalita nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na! ay ang tungkol sa nakarating sa kanilang impormasyon na may bago na umanong boyfriend si Liza Soberano.

Cristy sa love life ni Liza Soberano: "May banyaga na raw na boyfriend si Liza"
Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na lumitaw umano ito matapos na maikwento naman ni Ogie Diaz ang nasagap sa kanyang source na hiwalay na umano sina Enrique Gil at Liza.

Read also

Cristy sa engagement ni LJ Reyes: "Isang malaking sampal ito kay Paolo Contis"

"May mga nagasasabi na meron siyang boyfriend na porenero. May banyaga na raw na boyfriend si Liza," ani Cristy Fermin.

Ayon oa kay Cristy, imposible namang si James Reid ang tinutukoy na ito gayung lantaran na ang umano'y relasyon nito kay Issa Pressman.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"American dream, gusto niyang maging Hollywood star. Pupwede naman siyang mangarap na nandiyan pa rin si Enrique. Sino kaya 'yung sinasabi ng mga tao na foreigner daw ang kanyang karelasyon," dagdag pa ni Cristy.

Gayunpaman, matatandaang ibinahagi ni Ogie Diaz ang umano'y nakarating sa kanyang hiwalayan ng LizQuen. Ngunit ilang araw lang matapos itong mapabalita, ay lumabas naman ang mga larawan nina Liza at Enrique na muling magkasama.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Liza Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Read also

Ogie Diaz sa umano'y hiwalayan ng LizQuen: "'Di ko alam kung pareho nilang gusto 'yun"

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilibas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica