Angelica Panganiban, emosyonal sa kanyang medical condition
- Naibahagi ni Angelica Panganiban sa kanyang guesting sa 'Magandang Buhay' ang kanyang saloobin kaugnay sa kanyang medical condition
- Hindi niya mapigilang maging emosyonal nang ibahagi niya ang kanyang reaksiyon nang malaman na maari siyang magka-disability
- Aniya, parang pakiramdam niya ay unfair dahil ngayon pa lang niya ine-enjoy ang buhay na kanyang pinapangarap
- Matatandaang naibahagi ni Angelica sa kanilang vlog ang tungkol sa pagkakaroon niya ng avascular necrosis
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Emosyonal si Anglica Panganiban nang ibahagi niya sa Magandang Buhay ang tungkol sa kanyang saloobin nang malaman niya ang tungkol sa kanyang kondisyon. Aniya, parang pakiramdam niya ay unfair dahil ngayon pa lang niya ine-enjoy ang buhay na kanyang pinapangarap.
So nung naririnig ko ito, wait lang magte-37 pa lang ako. Tapos ngayon pa lang natutupad ang mga pangarap ko sa buhay. Sabi ko pero bakit naman medyo unfair?' Gusto ko pang i-enjoy ang mga ibinibigay sa akin,"
Sumailalim na siya sa stem cell therapy na aniya ay mas conservative approach sa kondisyon niyang avascular necrosis.
'Yung procedure na ginawa sa akin is nilagyan ng stem cell 'yung dead bones sa left and right hip,
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Angelica Panganiban ay isang aktres sa telebisyon at pelikula. Nakilala siya sa kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa. Sa kanyang murang edad na anim na taong gulang, sumabak si Angelica sa pag-arte at naging bahagi ng youth-oriented show na Ang TV.
Naibahagi ni Angelica ang kanyang mga na-block na numbers dahil sa spam messages at fake job offers na natanggap. Napatanong siya tungkol dito kung madami pa rin ba ang mga spam texts kung bago ang gagamitin mong sim card. Dahil sa kanyang tweet ay marami ang nagbahagi ng kanilang karanasan kaugnay sa pagkakatanggap ng spam messages. Mayroong nagsasabing kahit bago ang sim card ay nakakatanggap pa rin ng maraming text messages mula sa mga di kilalang number.
Sa kanyang vlog noong hindi pa siya nanganganak, humiling si Angelica sa kanyang boyfriend na si Gregg na i-foot massage umano siya nito sa unang araw mismo ng kanyang susunod na pagbubuntis. Ani Gregg, matagal pa naman iyon pero aniya ay okay naman sa kanya na gawin iyon para kay Angge. Mapapanood ito sa The Homans – ang YouTube channel nila ni Gregg kung saan gumawa siya ng Banana Bread Ice Cream.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh