Cristy Fermin, naniniwalang mayroon umanong espiya sa Eat Bulaga
- Ibinahagi ni Cristy Fermin ang kanyang saloobin at ilang mga nalalaman sa pamamaalam ng TVJ sa Eat Bulaga
- Naniniwala umano si Cristy na mayroong espiya sa inaakalang nasa panig nina Tito, Vic and Joey, subalit nagre-report umano sa totoo nitong kakampi
- Sinegundahan naman ito ng mga kasama niyang sina Romel Chika at Wendell Alvarez
- Kapansin-pansin umano ito dahil sa lahat, tila ito raw ay 'di masyadong apektado sa mga nangyayari sa longest-running noontime show sa mundo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naglabas ng kanyang saloobin at ilang mga nalalaman si Cristy Fermin tungkol sa pamamaalm umano ng Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. noong Mayo 31.
Ani Cristy, naniniwala siya umano na mayroong espiya sa mga 'Dabarkads' na nagpaparating umano ng mga napag-uusapan sa loob sa totoong kakampi nito.
Una niyang tinanong ang mga kasamang sina Wendell Alvarez at Romel Chika na sumang-ayon kay Cristy patungkol sa isa umanong nasa Eat Bulaga na hindi naman pala pusong 'Dabarkads.'
"Ako din po, tataya din po ako dito. Sa aming tatlo, tataya po ako ng madiin. Meh alam ako diyan na isa, isa 'yan na talagang siya yung lumalabas na tagamasid, tagaalam kung anong nagaganap sa loob saka ire-report doon sa kanyang kakampi."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ito marahil umano ang nakapagparating sa TAPE patungkol sa anunsyong gagawin ng TVJ kaya hindi na pinayagang mag-live ang Dabarkads sa Eat Bulaga na pawang replay ang pinalabas.
Nagawan lamang umano ng paraan ng mga staff na mabigyang pagkakataon sa isang bahagi ng entablado na makapag-live ang mga hosts sa Facebook ni Maine Mendoza na mayroong milyon-milyong followers.
Dito naisapubliko ng tatlo ang kanilang pamamaalam sa TAPE at ang kumpirmasyong hindi na sila mapapanood sa Eat Bulaga na ngayo'y nasa GMA 7 pa rin hanggang 2024 ayon sa kanilang kontrata.
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show 'di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon at ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.
Matapos ang paghiwalay na umano ng Tito, Vic and Joey sa TAPE Inc., na siyang producer ng Eat Bulaga, marami ang nakaabang sa mga susunod na hakbangin ng programa lalong-lalo na ang TVJ na itinuturing na haligi ng nasabing palabas.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh