Christian Merck Grey kay Xander Arizala: "San mo dinala yung P336K in just 2 days?"

Christian Merck Grey kay Xander Arizala: "San mo dinala yung P336K in just 2 days?"

- Sinagot ni Christian Merck Grey ang bagong video ni Xander Arizala na nagsasabing ibabalik niya ang perang binigay sa kanya

- Ani Merck, hindi niya inasahan ang video na ito ni Xander dahil halos tatlong araw daw na nanahimik ito mula nang ibigay niya ang pera

- Nilinaw ni Merck na kaya niya pinost ang video para may pruweba siya na binigay niya ang pera para hindi siya mabaliktad

- Dagdag pa ni Merck, hindi siya papayag na P13,925.25 lang ang ibabalik ni Xander sa kanya at pwede umano niyang pagbigayn ito kung kahit kalahati ng binigay niya ang ibalik

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Christian Merck Grey, walang problema sa kanya na ibalik ni Xander Arizala ang perang binigay sa kanya lalo at P13,925.25 lang daw muna ang ibabalik nito at huhulog-hulugan na lang niya ang natitira.

Read also

Tyronia Fowler, may kundisyon bago magkaroon ng kapatid: "Kasal muna po"

Christian Merck Grey kay Xander Arizala: "San mo dinala yung P336K in just 2 days?"
Christian Merck Grey kay Xander Arizala: "San mo dinala yung P336K in just 2 days?" (Christian Merck Grey)
Source: Youtube

Hiniling kasi ni Xander na burahin na ni Merck ang video nito nang ibigay niya ang pera at ibabalik na lang daw niya ang pera.

Gayunpaman, huhulog-hulugan na lang daw niya ang natitirang 336K dahil P13,925.25 na lang daw ang natira sa pera.

Ani Merck, pwede umano niyang pagbigayn ito kung kahit kalahati ng binigay niya ang ibalik ni Xander.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nakilala din si Marlou Arizala bilang si Xander Ford sa social media. Pinalitan ang kanyang pangalan matapos ang kanyang kontrobersiyal na make over. Gayunpaman, matapos ang mga kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay tuluyan na siyang binitawan ng management na tumulong sa kanyang make-over.

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel