John Regala, pumanaw na matapos ma-cardiac arrest dulot ng liver at kidney complications

John Regala, pumanaw na matapos ma-cardiac arrest dulot ng liver at kidney complications

- Namayapa na si John Regala ngayong araw sa edad na 55 sa New Era General Hospital

- Ito ay kinumpirma ng showbiz writer at kolumnistang si Aster Amoyo

- Kinumpirma din ng asawa ni John ang balita sa isang panayam ng ABS-CBN

- Ayon sa post ni Aster Amoyo, alas 6:00 ngayong umaga pumanaw ang aktor sahil sa multiple ailments

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pumanaw na si John Regala ngayong araw sa edad na 55 sa New Era General Hospital. Kinumpirma din ng asawa ni John ang balita sa isang panayam ng ABS-CBN News.

John Regala, sumakabilang-buhay ngayong araw sa edad na 55
John Regala, sumakabilang-buhay ngayong araw sa edad na 55 (John Regala)
Source: Facebook

Ang balitang ito ay kinumpirma din ng showbiz writer at kolumnistang si Aster Amoyo. Ayon sa post ni Aster Amoyo, alas 6:00 ngayong umaga pumanaw ang aktor sahil sa multiple ailments.

Veteran actor John Regala (John Paul Guido Boucher Scherrer) - 58 died this morning at 6:00 am due to multiple ailments. Let us all pray for the enternal repose of his soul.

Read also

Julia Clarete, naghayag ng suporta sa Eat Bulaga: "My forever"

(May 28, 1965 - June 3, 2023

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ng asawa ni John na nag-cardiac arrest ang aktor dulot ng liver at kidney complications na dati pang naisapubliko.

Matatandaang may mga tumulong sa aktor para sa kanyang pagpapagamot kasunod ng pag-viral ng kanyang picture na nakuhanan ng isang netizen.

Si John Paul Guido Boucher Scherrer o mas kilala sa kanyang screen name na John Regala ay nakilala bilang isang actor star at environmentalist. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang mga kontrabida sa pelikula at mga serye.

Matatandaang matapos maospital noong 2020, naibahagi ni John na hindi pa raw niya natatanggap ang ibang money donations para sa kanya. Inakusahan niya sina Chukie Dreyfus, Nadia Montenegro at Aster Amoyo na siyang hindi umano nagbigay ng perang binigay sa kanya para sa kanyang panggamot. Mariin naman itong pinabulaanan ni Chuckie. Maging ang asawa ni Chuckie ay umalma dito.

Read also

TVJ, nagpaalam na sa TAPE Inc. sa pamamagitan ng Eat Bulaga YouTube channel

Samantala, inihayag ni Chuckie ang kanyang pagkadismaya sa akusasyon sa kanya ni John sa programa ni Raffy Tulfo. Pinatunayan ni Chucki na pinadala niya sa bank account ng aktor ang P115,000. Muli namang inireklamo ni John ang umano'y paggawa nila ng fund raiser nang wala niyang pahintulot na pinabulaanan naman ni Chuckie. Kasunod nito ay naging emosyonal si John.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel