Pinoy Action Star na si John Regala, humihingi ng saklolo

Pinoy Action Star na si John Regala, humihingi ng saklolo

- Viral ngayon ang larawan ng Pinoy Action Star na si John Regala na humuhingi ng tulong

- Ayon sa uploader, namataan niya ito sa Pasay City na nahihilo at may hinahanap na nurse

- Nakaramdam ng lungkot ang delivery rider na nag-upload ng kalagayan ng dating aktor na kilala sa kanyang mga kontrabida roles

- Natulungan naman daw ito ng mga tanod at health worker sa lugar bago niya ito tuluyang iniwan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinoy Action Star na si John Regala, humihingi ng saklolo

Source: John Regala source: Facebook
Source: Facebook

Namataan ng isang nagmalasakit na delivery rider ang dating aktor na si John Regala na humihingi ng tulong sa may Pasay City.

Ayon sa uploader na si Carl Natha, nahihilo raw ang Pinoy actor na agad niyang nilapitan upang maalalayan.

Nalaman ng KAMI na sinabi pa nitong may hinahanap itong nurse sa Barangay 183.

Hindi na raw masyadong maintindihan ng rider ang sinasabi pa ni John dahil hirap na raw itong magsalita.

Hindi magawang iwan ng rider ang dating aktor na talagang nangangailangan ng tulong.

Nakaramdam daw ng lungkot ang nagmalasakit na rider sa kalagayan ni John dahil malayo na ang itsura nito sa "kontrabidang" sikat-sikat noon.

Iniwan na lamang ito ng rider nang may dumating na tanod at health worker na tutulong sa aktor.

Makikita sa larawang binahagi ng trending viral ang kalagayan na ngayon ng isa sa mahusay na kontrabida sa bansa.

Nito lang nakaraang linggo, nakapag-live pa sa kanyang Facebook page ang dating aktor.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ipinakita niyang naka-suwero siya sa kanyang bahay at tulad ng paglalarawan ng rider, hirap na nga itong magsalita.

Doon naikwento ni John na puro tubig na raw ang kanyang tiyan na dapat sana raw itong butasan ngunit hindi na umano siya pumayag.

Hindi na rin daw siya nakakainom ng gamot dahil sa kakapusan niya ngayon.

Ilang araw na rin daw siyang hindi nakakakain dahil sa kawalan ng pambili.

Nabanggit pa niyang iniwan na di umano siya ng kanyang misis dahil sa wala na raw siyang pera di tulad dati.

Makikitang hirap na hirap sa pagsasalita ang dating makisig na aktor na hanggang ngayon ay nagdadalamhati pa rin sa pagkamatay ng kanyang ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang Enero ng kasalukuyang taon nang mamayapa ang ina ni John na dati ring aktres na si Ruby Regala dahil sa sakit na brain tumor.

Umapela pa noon si John sa mga nakasama niyang aktor sa industriya ng showbiz partikular na kay Coco Martin para maiuwi ang labi ng kanyang ina na nasa Amerika noon.

Isa ito sa ipinagpapasalamat ng aktor ngayon dahil nadala niya ang labi ng ina pabalik ng Pilipinas.

Nakilala si John Regala sa pagiging mahusay na aktor noong 80's hanggang 90's dahil sa epektibo niyang pagganap bilang kontrabida.

Huling naging proyekto niya ay nang maging bahagi pa siya ng FPJ's Ang Probinsyano bago siya magkaroon ng karamdaman.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel