Seth Fedelin kung bakit wala pang girlfriend: "Bawal pa kasi mag-jowa si Francine"

Seth Fedelin kung bakit wala pang girlfriend: "Bawal pa kasi mag-jowa si Francine"

- Ayon kay Seth Fedelin, isa sa nagustuhan niya kay Francine Diaz ay ang pagiging marespeto nito sa kanyang mga magulang

- Sa panayam sa kanya ni Karen Davila ay nabanggit niya na hindi pa niya priority sa ngayon ang kanyang lovelife

- Gayunpaman, aniya strict kasi ang mama ni Francine at hindi pa pwedeng mag-boyfriend si Francine

- Isa umano sa maituturing niyang pinakamalapit niyang kaibigan sa showbiz ay si Francine

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Seth Fedelin, sa ngayon ay trabaho muna ang kanyang priority sa kasalukuyan. Naibahagi niya sa panayam ni Karen Davila sa kanya na isa pa daw sa dahilan kung bakit single siya ay dahil bawal pa mag-boyfriend si Francine.

Seth Fedelin kung bakit wala pang girlfriend: "Bawal pa kasi mag-jowa si Francine"
Seth Fedelin kung bakit wala pang girlfriend: "Bawal pa kasi mag-jowa si Francine" (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Puring-puri niya si Francine at aniya ay "standard talaga si Chin." Chin ang palayaw ni Francine lalo na sa mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz.

Read also

Michaela, naiyak at nagselos nang dalhin ng kanyang mommy na si Ethel Booba sa raket nito

Aniya, sa maituturing niyang pinakamalapit niyang kaibigan sa showbiz ay si Francine at alam niyang kaya niyang malapitan at maiiyakan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel