Alden Richards sa kumukwestiyon sa gender identity nya: 'Wala po akong kailangan patunayan'

Alden Richards sa kumukwestiyon sa gender identity nya: 'Wala po akong kailangan patunayan'

- Naitanong kay Alden Richards kung ano ang kanyang masasabi sa mga taong kumukuwestiyon sa kanyang gender identity

- Ani Alden, sa 12 na taon niya sa industriya hindi daw mamatay-matay ang pang-iintriga sa kanya

- Aniya, wala naman siyang dapat patunayan sa mga taong ito at alam niya kung ano ang gusto niya sa buhay

- Ito ang kanyang naging sagot sa mga tanong ni Ogie Diaz sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naitanong kay Alden Richards kung ano ang kanyang masasabi sa mga taong kumukuwestiyon sa kanyang gender identity. Ani Alden, sa 12 na taon niya sa industriya hindi daw mamatay-matay ang pang-iintriga sa kanya.

Alden Richards sa kumukwestiyon sa gender identity nya: 'Wala po akong kailangan patunayan'
Alden Richards sa kumukwestiyon sa gender identity nya: 'Wala po akong kailangan patunayan' (@aldenrichards02)
Source: Instagram
"Mag-twe-12 years na po, hindi namatay ‘yan eh,”

Ani Alden, hindi naman niya kailangang patunayan ang sarili niya kaugnay sa bagay na ito.

Read also

Jennica Garcia, kailanman 'di siniraan ang ex: "Mahal ko rin po kasi talaga 'yung family ni Alwyn"

“Kilala ko po ang sarili ko, kilala po ako nu’ng mga tao sa paligid ko...wala naman po akong kailangan patunayan sa part na ‘yon."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi din daw niya maatim na gumamit ng ibang tao o makipagrelasyon para lang matahimik ang isyu.

Ayoko naman po na para tumahimik ‘yung issue na ‘yun, is gagamit ako ng ibang tao... kawawa naman ‘yung tao. Hindi po ako gan’un.”

Si Richard Reyes Faulkerson Jr. o mas kilala sa kanyang screen name na Alden Richards ay isang actor, host, producer at entrepreneur. Binansagan siya bilang "The Asia's Multimedia Star" matapos makatanggap ng Asian Star Prize awards sa 14th Seoul International Drama Awards of 2019 for acting. Nakilala siya bilang kapareha ni Maine Mendoza sa tandem nilang AlDub sa Eat Bulaga.

Ayon kay Ogie Diaz, magbibigay siya ng P100,000 kung may mailalabas na anak ang isa sa mga AlDub fan na nagsalita sa isang video. Dagdag pa niya, P150,000 naman ang ibibigay niya kung mapapatunayan nito na may apo na rin ang AlDub. Sa naturang video ay sinasabi ng isang AlDub fan na totoo daw na may anak talaga sina Maine at Alden. Ito ay sa kabila ng paglilinaw kamakailan ni Maine na wala itong katotohanan.

Read also

Alden Richards sa pag-aasawa: "Dapat by 35, kasal na ‘ko"

Kamakailan ay inalmahan ni Cristy Fermin ang ilang Aldub fans na tila nagdududa pa kung si Arjo Atayde nga ang kasama ni Maine sa bakasyon nito kamakailan. Aniya, may ilang AlDub fans pa umanong magtutungo sa airport upang salubungun si Maine. Dahil sa muling pagkabuhay ng isyu sa AlDub, tila iba na raw ang nararamdaman ni Cristy sa naturang kontrobersiya. Tila binabarikadahan pa rin umano ng ilang AlDub fans ang mga iniidolo nila kahit si Maine ay engaged na kay Congressman Atayde.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel