Jennica Garcia, kailanman 'di siniraan ang ex: "Mahal ko rin po kasi talaga 'yung family ni Alwyn"

Jennica Garcia, kailanman 'di siniraan ang ex: "Mahal ko rin po kasi talaga 'yung family ni Alwyn"

- Natanong kay Jennica Garcia sa 'Magandang Buhay' kung bakit kailanma'y 'di nito siniraan ang ex na si Alwyn Uytingco

- Sa kabila ng kumpirmasyon at kahit bago pa lamang nilang naipararamdam sa publiko na hiwalay na sila, wala itong naihayag na makasisira kay Alwyn

- Isa rin siyempre sa mga dahilan niya ay ang kanilang mga anak na ayaw niyang makarinig ng masasakit na salita tungkol sa ama ng mga ito

- Si Jennica ay bahagi ngayon ng teleseryeng 'Dirty Linen' kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Lala

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mahalagang naitanong kay Jennica ay patungkol sa dati nitong asawa na si Alwyn Uytingco.

Jennica Garcia, kailanman 'di siniraan ang ex: "Mahal ko rin po kasi talaga 'yung family ni Alwyn"
Jennica Garcia (@jennicagarciaph)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na natanong si Jennica ni Regine Ve;asquez sa Magandang Buhay kung balit kailanma'y hindi nito nagawang siraan ang dating mister.

Read also

Biyuda, buwan lang ang pagitan nang mamatayan ng dalawang anak na 'di na gumising

"Ang alam ko po, iniisip ng marami dahil mayroon akong anak na dalawa and totoo naman po 'yun. Syempre, ayaw ko makarinig 'yung mga anak ko ng hindi maganda patungkol sa tatay nila"
"But ano lang po 'yun parang 50% lang 'yun. 'Yung 50% andun sa mahal na mahal ko rin po kasi talaga 'yung family ni Alwyn. Talagang mahal ko po 'yung mama niya, 'yung mga kapatid niya... So alam ko 'pag meron akong nasabi, magiging apektado sila"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aniya, marami rin umano silang magagandaang alaala at pinagsamahan na mas matimbang umano sa kanya.

"Saka kahit nandun tayo sa natapos 'yung pagsasama nating dalawa, masyadong marami kaming pinagdaanan na maganda ni Alwyn para pag-isipan ko siya ng masama"

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya. Ayon kay Jennica, dalawang taon na umano siyang single mother ng kanyang dalawang anak.

Read also

Vice Ganda, gabi-gabing nais makita ang ina: "'Yung mukha niyang walang pustiso"

Malaking bagay ang pagkakaroon umano niya ng mga proyekto dahilan para makabili muli siya ng aircon nilang mag-iina na ilang buwan din umano nilang kinaya na wala. Paliwanag ni Jennica, nasira ang dating aircon na hindi angkop sa ng tinitirahan nila.

Samantala, naging usap-usapan si Jennica kamakailan dahil umano sa kakaibang closeness nila ng Dirty Linen co-star na si Christian Bables. Ani Jennica, tropa lang sila ni Christian at alam niya umanong hindi siya magugutuhan nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica