Moira dela Torre, nakaranas ng wardrobe malfunction habang kumakanta

Moira dela Torre, nakaranas ng wardrobe malfunction habang kumakanta

- Nakaranas si Moira dela Torre ng wardrobe malfunction habang kumakanta

- Sa isang video na naibahagi sa social media ay makikita ang singer na tuloy lang sa pagkanta

- Dahil marami ang nakapalibot sa kanya ay may mga tumulong upang maiwasang masilipan si Moira

- May humawak sa kanyang damit upang hindi ito umangat

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakaranas si Moira dela Torre ng wardrobe malfunction habang kumakanta. Sa isang video na naibahagi sa social media ay makikita ang singer na tuloy lang ito sa pagkanta.

Lolito Go, nakausap na ang mga magulang ni Moira dela Torre: "We will settle things privately"
Lolito Go, nakausap na ang mga magulang ni Moira dela Torre: "We will settle things privately" (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Kapansin-pansin naman na may dalawang kamay na humawak sa kanyang damit upang mapigilan ang pag-angat ng kanyang damit.

Makikita sa video na maraming tao ang nakapalibot kay Moira habang siya ay kumakanta. Sumasabay pa ang mga ito sa kanyang pagkanta ng awiting Babalik Sa'yo.

Read also

Moira Dela Torre, inulan ng mensahe matapos maibahagi ang picture niyang lumuluha

Narito ang komento ng ilang netizens:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tinakpan nya lang, makikita SA una n pinpigilan nya ung damit n tumaas... Assistant nya po un
Team ni Moira yan. Miss CJ yan road manager nya. Strict yan sya sa mga outfit ni moira kahit dto sa UK nung ng concert sya concious cla lagi sa big screen LED tingin lagi
Maiksi kasi yung top nya ngayon pag tinaas nya yung mga braso nya makikita yung hindi dapat makita

Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Read also

Ray Parks, sinorpresa si Lucas nang sunduin nila ito sa school

Pinatunayan ni Moira na siya nga ang Hugot Queen matapos nitong kantahin ang mga awiting ayon sa kanyang fans ay talaga namang mapanakit. Sa kanyang katatapos lang na concert ay usap-usapan ang mga makahulugang awitin ni Moira. Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mga mensahe ng kanta niya sa kanyang personal na karanasan. Kabilang nga sa kinanta niya ay ang mga kantang nagpapahiwatig ng pagloko sa kanya ng maraming beses.

Sinagot ni Moira ang komento ng isang netizen sa kanyang post sa Facebook. Sinabihan siya ng naturang Facebook user na pwede na daw siyang sumali sa blind date. Sagot naman ni Moira ay naging blind na daw siya sa pag-ibig dati at ayaw niya na raw. Marami ang naaliw sa kwelang mga sagot ni Moira sa mga komento ng netizens sa kanyang social media posts.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel