Jason Hernandez, inilahad kung paano raw siya lumuhod at umiyak kay Moira

Jason Hernandez, inilahad kung paano raw siya lumuhod at umiyak kay Moira

- Sinagot ni Jason Hernandez ang mga maaanghang na salita mula sa kapatid ni Moira dela Torre

- Sa buradong tweet ng kapatid ni Moira na si J'mee dela Torre, inalmahan niya ang umano'y paggamit ni Jason ng clips mula sa kasal nila ni Moira nang walang paalam sa kanyang ate

- Burado na rin ang post ni Jason kung saan binahagi niya ang screenshots ng mga mensahe para ipagtanggol ang kanyang sarili

- Pinabulaanan niyang hindi siya nag-effort para kay Moira dahil lumuhod pa umano siya at umiyak para tanggapin lang siya uli ni Moira

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sumagot si Jason Marvin Hernandez sa tweet ng kapatid ni Moira dela Torre at binahagi ang ilang screenshots ng pag-uusap nila pati na rin ng mga magulang nila. Ani Jason, hindi nakita ni J'mee kung paano siya lumuhod at umiyak para tanggapin lang siya uli ni Moira.

Read also

Kapatid ni Moira dela Torre, umalma sa paggamit ni Jason ng wedding clips nila ni Moira

Jason Hernandez, inilahad kung paano raw siya lumuhod at umiyak kay Moira
Jason Hernandez, inilahad kung paano raw siya lumuhod at umiyak kay Moira (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Ito ang kanyang reaksiyon sa sinabi ng kapatid ni Moira na hindi daw siya nag-effort para sa ate niya. Makikita din sa mga screenshot ng convo ang pagdalaw niya sa pamilya upang magbigay ng regalo kahit hiwalay na sila ni Moira.

Nirespeto na lamang daw ni Jason ang sinabi ni Moira na ayaw niyang nakikipag-ugnayan pa ang pamilya sa kanya.

Sa kasalukuyan ay burado na ang post na ito ni Jason.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Read also

Jason Hernandez, pinakita ang ilang wedding clips nila ni Moira dela Torre sa kanta niyang "Ikaw pa rin"

Pinatunayan ni Moira na siya nga ang Hugot Queen matapos nitong kantahin ang mga awiting ayon sa kanyang fans ay talaga namang mapanakit. Sa kanyang katatapos lang na concert ay usap-usapan ang mga makahulugang awitin ni Moira. Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mga mensahe ng kanta niya sa kanyang personal na karanasan. Kabilang nga sa kinanta niya ay ang mga kantang nagpapahiwatig ng pagloko sa kanya ng maraming beses.

Sinagot ni Moira ang komento ng isang netizen sa kanyang post sa Facebook. Sinabihan siya ng naturang Facebook user na pwede na daw siyang sumali sa blind date. Sagot naman ni Moira ay naging blind na daw siya sa pag-ibig dati at ayaw niya na raw. Marami ang naaliw sa kwelang mga sagot ni Moira sa mga komento ng netizens sa kanyang social media posts.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel