Jason Hernandez, pinakita ang ilang wedding clips nila ni Moira dela Torre sa kanta niyang "Ikaw pa rin"

Jason Hernandez, pinakita ang ilang wedding clips nila ni Moira dela Torre sa kanta niyang "Ikaw pa rin"

- Naglabas si Jason Hernandez ng bagong kanta kasunod ng ilang araw na nagbabahagi siya ng picture kasama ang isang mystery woman

- Sa kanta niyang nilabas na pinamagatang "Ikaw Pa Rin'' kasama niya ang naturang babae at makikita din ang ilang pictures na kuha sa kasal nila ni Moira

- Base sa mensahe ng kanta, inihahayag ni Jason ang kanyang pagmamahal kay Moira matapos nilang magkahiwalay

- Ang kanyang pinost na caption kamakailan na "Siya ang nagligtas sakin, Ang nagbalik ng aking ngiti" ay bahagi ng lyrics ng naturang kanta

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Jason Marvin Hernandez ang bagong kanta na pinamagatang "Ikaw Pa Rin'." Sa music video ng naturang kanta ay kabilang ang wedding pictures nila ni Moira dela Torre.

Jason, pinakita ang ilang wedding pictures nila ni Moira sa kanta niyang "Ikaw pa rin"
Jason, pinakita ang ilang wedding pictures nila ni Moira sa kanta niyang "Ikaw pa rin" (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Ilang araw nang naging usap-usapan ang post ni Jason kung saan may kasama siyang babae. Naroroon sa music video ng bagong kanta niya ang naibahagi niyang pictures kamakailan.

Read also

Rendon Labador sa tumataas na presyo ng bigas: " Utakan natin silang lahat"

Ang kanyang pinost na caption kamakailan na "Siya ang nagligtas sakin, Ang nagbalik ng aking ngiti" ay bahagi ng lyrics ng naturang kanta.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Pinatunayan ni Moira na siya nga ang Hugot Queen matapos nitong kantahin ang mga awiting ayon sa kanyang fans ay talaga namang mapanakit. Sa kanyang katatapos lang na concert ay usap-usapan ang mga makahulugang awitin ni Moira. Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mga mensahe ng kanta niya sa kanyang personal na karanasan. Kabilang nga sa kinanta niya ay ang mga kantang nagpapahiwatig ng pagloko sa kanya ng maraming beses.

Sinagot ni Moira ang komento ng isang netizen sa kanyang post sa Facebook. Sinabihan siya ng naturang Facebook user na pwede na daw siyang sumali sa blind date. Sagot naman ni Moira ay naging blind na daw siya sa pag-ibig dati at ayaw niya na raw. Marami ang naaliw sa kwelang mga sagot ni Moira sa mga komento ng netizens sa kanyang social media posts.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel