Kapatid ni Moira dela Torre, umalma sa paggamit ni Jason ng wedding clips nila ni Moira

Kapatid ni Moira dela Torre, umalma sa paggamit ni Jason ng wedding clips nila ni Moira

- Umalma ang kapatid ni Moira dela Torre na si J'mee dela Torre matapos maglabas ng music video si Jason Hernandez para sa kanyang bagong kanta

- Aniya, nakakatawa ang kanta lalo na sa linyang "Naghihintay pa rin hanggang ngayon sa ikaw at ako"

- Dagdag pa niya, parang hindi daw nag-effort si Jason para sa ate niya at malayo daw ng mensahe sa kanta niya

- Matapos mag-viral ay hindi na mabuksan ang Twitter account ng kapatid ni Moira

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ng kapatid ni Moira dela Torre na si J'mee dela Torre ang nilabas na kanta ni Jason Marvin Hernandez. Aniya, nakakatawa ang kanta lalo na sa linyang "Naghihintay pa rin hanggang ngayon sa ikaw at ako".

Kapatid ni Moira dela Torre, umalma sa paggamit ni Jason ng wedding clips nila ni Moira
Kapatid ni Moira dela Torre, umalma sa paggamit ni Jason ng wedding clips nila ni Moira (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Bukod pa dito ay malayo daw ang mensahe ng kanta dahil aniya ay hindi naman nag-effort si Jason para sa ate niya. Binanggit niya din ang paggamit ng wedding clips at music video ng Tagpuan nang walang pahintulot ng ate niya. Matapos mag-viral ay hindi na mabuksan ang Twitter account ng kapatid ni Moira.

Read also

Jason Hernandez, inilahad kung paano raw siya lumuhod at umiyak kay Moira dela Torre

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Pinatunayan ni Moira na siya nga ang Hugot Queen matapos nitong kantahin ang mga awiting ayon sa kanyang fans ay talaga namang mapanakit. Sa kanyang katatapos lang na concert ay usap-usapan ang mga makahulugang awitin ni Moira. Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mga mensahe ng kanta niya sa kanyang personal na karanasan. Kabilang nga sa kinanta niya ay ang mga kantang nagpapahiwatig ng pagloko sa kanya ng maraming beses.

Read also

Jason Hernandez, pinakita ang ilang wedding clips nila ni Moira dela Torre sa kanta niyang "Ikaw pa rin"

Sinagot ni Moira ang komento ng isang netizen sa kanyang post sa Facebook. Sinabihan siya ng naturang Facebook user na pwede na daw siyang sumali sa blind date. Sagot naman ni Moira ay naging blind na daw siya sa pag-ibig dati at ayaw niya na raw. Marami ang naaliw sa kwelang mga sagot ni Moira sa mga komento ng netizens sa kanyang social media posts.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel