Ryzza Mae Dizon, nag-post ng aniya'y reaksiyon niya na malapit na siyang mag-18
- Kinaaliwan ang post ni Ryzza Mae Dizon na throwback picture niya at aniya ay kanyang reaksiyon sa nalalapit na kaarawan
- Ito raw ang kanyang reaksiyon nang mapagtantong 24 araw na lang ang nalalabi at magla-labingwalong taong gulang na siya
- Marami sa mga kasamahan nya sa showbiz ang nagkomento at karamihan ay tungkol sa kung gaano kabilis lumipas ang panahon
- Ang picture na binahagi ni Ryza ay kuha noong nag-uumpisa pa lamang siyang sumikat bilang isang child star
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Binahagi ni Ryzza Mae Dizon ang isang throwback picture para ipakita ang aniya'y kanyang reaksiyon nang nalaman niyang 24 araw na lang ay 18 taong gulang na siya. Ang picture na binahagi ni Ryza ay kuha noong nag-uumpisa pa lamang siyang sumikat bilang isang child star.

Read also
Angeline Quinto, ibinahagi family bonding nila para kay Sylvio: "Hindi ito matutumbasan ng kahit ano"

Source: Instagram
Marami sa mga kasamahan nya sa showbiz ang nagkomento at karamihan ay tungkol sa kung gaano kabilis lumipas ang panahon. Narito ang ilan sa mga komento:
Yong narealize. Mong dalaga kana within 24 days
Omg... An adult-to-be ka na in God's will, Ryzza.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Time flies so fast , dati si aling maliit ka lang , ngayon dalagang dalaga ka na proud of you Ryzza , keep humble all the time
Si Ryzza Mae de Guzman Dizon isang Pinay teen actress na sumikat noong taong 2012 matapos siyang tanghaling panalo sa Little Miss Philippines sa noontime show na Eat Bulaga! Siya ay nabigyan ng sarili niyang talk show matapos ang kanyang pagkapanalo, ang "The Ryzza Mae Show".
Muling pinanood ni Ryzza Mae kasama ang kanyang mama ang ilang videos ng dating child star. Kabilang sa pinanood nila ang pagkapanalo ni Ryzza Mae sa Little Miss Philippines sa Eat Bulaga. Hindi napigilang maging emosyonal ng kanyang ina at maging si Ryzza Mae habang binabalikan ang tagpong nagbago sa kanilang buhay. Pinanood din nila ang ilan sa mga viral na video na kuha sa talk show na The Ryzza Mae Show.
Masayang ibinahagi ni Ryzza Mae ang kanyang house update sa pinapagawa niyang bahay. Kung sa mga naunang vlog episode niya ay inisa-isa niya ang mga bahagi ng kanilang bahay na unti-unting naayos, sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang kabuuan ng natapos na sa kanilang bahay. Aniya, 90 porsyento na ng kanyang bahay ang natapos kaya isa-isa niyang pinasalamatan ang mga taong tumulong upang magawa ang kanyang bahay. Marami sa mga netizens ang natuwa at na-inspire kay Ryzza dahil sa murang edad nito ay nakapagpatayo siya ng bahay para sa kanyang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh