Melai Cantiveros, umalma sa mga reaksiyon sa anak niya: "Bata lang ang anak ko guys"
- Nilinaw ni Melai Cantiveros na hindi na sana siya magsasalita kaugnay sa pag-trending nila
- Kaugnay ito sa mga nasasabi ng ilang tao sa kanyang anak na si Mela na nagbiro sa kanyang mama
- Sa Instagram story ni Melai bago sila umuwi sa Pilipinas, nagbiro si Mela na marami ang biniling pampaganda ang mama niya pero mukha pa ring unggoy
- Ayon kay Melai, natural lang sa kanila ang ganoong biruan at alam niya na nirerespeto siya ng mga anak niya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Minabuti ni Melai Cantiveros na linawin na nagbibiro lang ang anak niya sa sinabi nito sa kanyang Instagram story. Nagbiro si Mela na marami ang biniling pampaganda ang mama niya pero mukha pa rin daw siyang unggoy.
Ani Melai, natural lang sa kanila ang ganoong biruan at alam niya na nirerespeto siya ng mga anak niya.
Mga Kamsamii di na sana ako magreact pero pag anak na ang pag usapan di pwede guyssssssss , kasi bata lang ang anak ko guys. Di ako papayag na kng anu anu sasabihin nyu sa anak ko dahil ako ang dumidisplina sa mga anak ko ,kilala ko mga anak ko madasalin mga yan pati mundo pinagdarasal nga ng mga yan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.
Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at hambambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.
Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh