Veybillyn Gorens kay Sachzna Laparan: "Mahiya ka te, never kang pinagselosan"
- Nagkasagutan sina Sachzna Laparan at Veybillyn Gorens sa social media dahil sa paglabas ng saloobin ni Veybillyn
-Ayon kay Veybillyn, nagulat na lang siya na makita sa videos na sumasayaw si Sachzna sa harap ni Jomar
- Aniya, binilin niya na hangga't maaari ay huwag silang magdikit para iwas na rin sa mga isyu lalo at wala silang mag-ina
- Kasama umano si Jomar sa Siargao at naroroon din si Sachzna
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naglabas ng saloobin si Veybillyn Gorens matapos magkasagutan sila ni Sachzna Laparan sa social media. Nagbahagi si Veybillyn ng mga screenshots.
Ayon kay Veybillyn, hiniling niya raw na hangga't maari ay iwasan nilang maglapit para maiwasan ang mga isyu lalo at hindi naman sila kasama sa kanilang pagpunta sa Siargao.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Aniya, nagulat siyang makita ang video na sumasayaw si Sachzna sa harap ni Jomar.
Dagdag pa niya, respeto lang naman ang kanyang hinihingi at ayaw niyang nakakabasa ng mga komento mula sa netizens dahil sa pagiging malapit nila ng ama ng kanyang anak.
Si Sachzna Laparan ay isang actress, model at social media influencer. Siya ay isa sa kilalang mga vlogger sa bansa na may mahigit dalawang milyong subscribers. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Love Life (2019), Happy Breakup (2017) and Nothing But the Bests! (2017). Kamakailan ay naging usap-usapan din ang umano'y hiwalayan nila ni Jerome Ponce kasunod ng pag-unfollow nila sa isa't-isa.
Nagbahagi si Sachzna Laparan ng isang picture kung saan makikita ang quote tungkol sa manipulation . Ito ay sa gitna ng balitang naghiwalay na sila ni Jerome Ponce kasunod ng kanyang binahaging video na "docuweek" . Bukod pa dito ay nag-unfollow na sila ni Jerome Ponce sa isa't-isa sa kanilang Instagram .Gayunpaman, wala pa silang direktang pag-amin kaugnay sa estado ng kanilang relasyon.
Masayang Sachzna Laparan ang makikita sa bagong Instagram post niya na kuha sa kanyang Singapore trip. Makikita sa kanyang post na tumatawa ito kasama ang mga kaibigan at sa kanyang caption ay nakalagay ang "so far, so good" . Ito ay ilang araw lamang matapos niya ibahagi ang video kung saan makikitang umiiyak siya at nagtatanong kung ano ang kulang sa kanya .
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh