Buboy Villar, umiyak daw na tumawag kay Jose Manalo at humingi ng sorry

Buboy Villar, umiyak daw na tumawag kay Jose Manalo at humingi ng sorry

- Naibahagi ni Jose Manalo na umiyak daw si Buboy Villar na tumawag sa kanya

- Aniya, nag-sorry ito sa kanya kaugnay sa pagtanggap nito ng hosting job sa Eat Bulaga sa GMA 7

- Ani Jose, malapit sa kanya si Buboy at dati ay natutulungan niya ito

- Aniya sakaling makita niya ang mga host ng Eat Bulaga ay babatiin niya ang mga ito dahil may trabaho sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Jose Manalo, sakaling makita niya ang mga host ng Eat Bulaga ay babatiin niya ang mga ito dahil may trabaho sila. Naibahagi niya na umiyak daw si Buboy Villar na tumawag sa kanya.

Buboy Villar, umiyak daw na tumawag kay Jose Manalo at humingi ng sorry
Buboy Villar, umiyak daw na tumawag kay Jose Manalo at humingi ng sorry (@buboyvillar)
Source: Instagram

Aniya, hindi naman pwedeng parehas ang estilo ng pagho-host sila ng bagong host. Aniya, masaya siya para sa mga host. ANiya sana ay huwag daw idiin ang mga taong nag-uumpisa. Maari daw makasalubong niya ang mga host na bago ng EB dahil may show pa siya sa GMA.

Read also

Maymay Entrata, mas focused daw muna sa kanyang pagkanta

Bago daw ang live ng EB ay tumawag si Buboy sa kanya at nag-sorry.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008. Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017. Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Noong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn. Sa kasalukuyan ay naroroon ang kanilang dalawang anak na si Vlanz at George sa poder ng kanilang ina. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Buboy na kahit malungkot siya ay naiisip niyang ginagawa niya ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel