Matteo Guidicelli, lalong napabilib kay Sarah Geronimo matapos mapanood ang lumang video nito
- Sa panayam kay Matteo Guidicelli ni Jessica Soho, naipakita kay Matteo ang lumang video ni Sarah
- Kuha ito matapos tanghaling kampeyon sa Star for A Night si Sarah na siyang naging daan sa kanyang matagumpay na showbiz career
- Habang nanonood ay hindi maitago sa mukha ni Matteo ang pagkamangha na makita ang misis noong mas bata pa ito
- Aniya, marami siyang natutunan sa kanyang asawa sa araw-araw na nakakasama niya ito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Napanood ni Matteo Guidicelli ang panayam kay Sarah Geronimo at mga magulang niya matapos siyang tanghaling kampeyon sa Star for A Night. Sa video ng panayam ni Jessica Soho sa kanya, sinabi niyang marami siyang natutunan sa kanyang asawa sa araw-araw na nakakasama niya ito.
Makikita sa panayam ang pagkukuwento nina Sarah at ng kanyang mga magulang ng pinagdaanan nila bago siya nanalo.
Ayon naman kay matteo umaasa siyang maaayos din ang kanilang relasyon sa mga magulang ni Sarah sa tamang panahon.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.
Dumalo sina Sarah at Matteo Guidicelli sa birthday celebration ng kapatid ni Mommy Divine. Sa binahaging picture ng Instagram ng -ashmatt (fans ng mag-asawang Sarah at Matteo) kasama nila ang kapatid ng ina ni Sarah. Marami ang natuwa lalo na ang mga fans ni Sarah dahil kahit umano pa-unti-unti ay nagiging maayos na ang relasyon ni Sarah sa pamilya. May mga umaasang ito na ang simula ng pagkakabati ng mag-ina na matagal na ring nagkatampuhan.
Binati ni Sarah ang kanyang mga magulang na sina Daddy Delfin at Mommy Divine Geronimo. Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Sarah na ang kanyang mga magulang ang superheroes ng kanyang buhay. Binati niya ng Happy Mother's Day ang kanyang mommy kalakip ng kanyang pasasalamat sa aniya'y walang katumbas na pag-aaruga at pagmamahal. Kalakip ng kanyang pagbati ay binahagi ni Sarah ang pictures niya kasama ang kanyang mga magulang .
Source: KAMI.com.gh